Chapter 8

0 0 0
                                    

Nakalipas na ang unang buwan ng pasokan mula nong kaarawan ni Jaime.
Kinabukasan 'non ay ikinwento ko kina nana at dada kung ano ang nangyari. Naglakas loob si Jaime na magtanung sa akin kung pwede daw pa siyang manligaw.

Pinag-isipan ko nang mabuti iyon at inabot pa nga ng dalawang araw. Tinanong ko muna si Eleonah, si Nana at si Dada. Pumayag si Eleonah, syempre dahil sa kaibigan niya kaming dalawa ni Jaime at masaya siya dahil sa unang beses na nanligaw si Jaime at sa akin pa. Si nana naman, hindi na ako nagtaka pa dahil ganuon talaga sila ka protective sa akin. Pumayag sila pero napakaraming babala ang pinaggagagawa nila. Dapat daw magtapos na muna ako ng pag-aaral, dapat daw hindi maapektuhan ang pag-aaral ko at dapat daw maganda ang kinabukasan ko sa kay Jaime. Hindi na nila ito binigyan ng condoms o kaya kung ano mang 'protective equipment' dahil binalaan ko na sila. Nilinaw ko sa kanila na hindi pa naman kami ni Jaime at nanliligaw pa lamang siya sa akin. Isa pa, hindi naman ako stripper o kung ano man ang tawag don. I'm aware sa kung ano ang tama at mali, kung ano ang nakakabuti sa akin at nakakasama.
Naiintndihan naman nila ang punto ko at nangakong hindi na nila uulitin ang ginawa nila sa una kong manliligaw.

"Why do you look so happy Eleonah?" Tanung ko kay Eleonah sabay subo ng lasagna na inorder ko.

Nandito kami ngayon sa school cafeteria upang kumain ng snacks. Hindi nakasama si Jaime kasi may aasikasuhin daw.

"Nothing! I'm just excited about something." Uminum siya ng orange juice na favorite niya. Patawa tawa pa siya, maya't maya rin ang pagtingin sa kanyang cellphone.

"So, may pag-asa na ba sayo ang kababata kong si Jaime?"
Tanung niya sa akin. Araw araw naman hindi niya nakakalimutang tanugin ako eh.

Siguro meron na. Gusto ko rin naman maranasan na magka-boyfriend, besides mabait si Jaime, hindi siya nakakasakal at caring siya, naiinis nga lang ako sa ugaling niyang may pagkasinto-sinto. Yung nagsismile siya sa akin o kaya tumatawa nang hindi ko malaman ang dahilan.

"Siguro meron na. Kung hindi ko pa man siya super kilala ngayon, kikilalanin ko siya simula sa oras na magtanung siya kung kami na ba at sagutin ko siya ng OO." Napasmile ako dahil sa sinabi ko. I really like Jaime/Jim (palayaw niya). I like him a lot and I'm so happy that he decided to choose me over many other girls chasing him. He's so kind, gentleman, humble, optimistice, handsome, and mature. Perfect for me.

Nakatulala lang sa akin si Eleonah habang umiinom ng juice niya. Agad siyang bumaling sa phone niya na nakangisi nang tumingin na ako sa kanya.

"Anong meron? I feel like something's going on pero wala man lang akong ka alam alam." Iniba ko ang topic. Kinukulit ko siya at pinipilit na agawin ang phone niya.

"Chill! Just wait until the right time. Napakarami kasing surprises ang nag-aabang sa'yo ngayong buwan." Excited na wika niya. Mas lalo akong na tense dahil sa sinabi niya.

"Mic test..."

Biglang tonog ng speaker na nakakabit sa sulok ng kisame.
Hudyat na mayroong announcement.

Natigil kaming dalawa ni Eleonah. Namilog ang kanyang mata at excited na luminga linga muli.

'What's going on?'

Maya-maya pa ay napansin ko ang dalawang lalaking nakasuot ng pang 'agent'.
Malalaki ang kanilang katawan at pansin kong patungo sila sa direksyon namin ni Eleonah.

Gulat ang ekspresyon ni Eleonah.

'Shit!'

Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko. They dragged me. As in literally, hila nila ako at hindi ako makatayo ng maayos.

Love, LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon