T.1

24 0 0
                                    

Ang lakas ng kanilang tawanan ang aking naririnig habang ako'y nakamukmok dito sa isang gilid. Hindi man lang nila pansin ang aking presensya.

"Bakit ba ang paplastik nila? Patuloy lang nilang niloloko ag kanilang mga sarili, eh hindi naman talaga sila masaya." Sambit ko sa aking sarili.

Napadako ang tingin ko sa isang lalaki. Siya ang pinakamalakas tumawa at naaalibadbaran ako sakanya. Nakakairita. Pinagmasdan ko lang ang galaw niya hanggang sa napatingin ito sa gawi ko. Unti-unting kumunot ang noo niya. Umiwas na ako ng tingin at ibinalik ang earphones sa aking tenga.

Tumayo na ako at naglakad pabalik sa classroom. Pagpasok ko ay nakaabang na ang kanilang mga mapanghusgang tingin. Hinayaan ko lang sila at umupo na sa aking pwesto at kalauna'y dumating na ang aming guro.

Sa totoo lang, wala akong naiintindihan sa sinsabi niya. Para akong lumulutang ngayon dahil pagod ako galing sa trabaho ko sa bistro kagabi.

"Miss Enrile! How many times do I have to repeat myself that no sleeping in my class?! GET OUT!" Hay nako. Inaantok akong lumabas ng klase niya. Pang-ilan ko na ba 'to ngayong linggo? 11? Hindi ko na rin nga mabilang kaya hindi ako magtataka kung ipapatawag na ako sa office.

Naglakad-lakad na lamang ako habang natatawa sa realization na napalabas na naman pala ako. Napatigil ko nang madaanan ko ang classroom nung lalaking nakatitigan ko kanina. What a word, Arissa. Nakatitigan.

Binagalan ko ang aking paglalakad dahil nakita ko siyang nilalapitan ng guro.

"Mr. Alcaraez --"

"Alcreza." Mayabang niyang sagot. Tss.

"Solve the problems on the board." Hindi gumalaw si Alcreza at nakatingin lang sa teacher niya. Naging teacher ko rin 'to last sem pero ewan ko? Hinayaan niya lang naman ako matulog sa klase niya. Mukha naman siyang mabait.

"Inuutusan mo pa ako. Ayoko and you can't make me." Napailing na lang ako sa sagot niya. Napakaarogante. Naglakad na ako ulit papunta sa bench na inupuan ko kanina at natulog. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulog pero nagising ako dahil sa ingay sa paligid ko.

"Well, you can't blame Clyde. His family is powerful as fuck." sabi ng isang babae.

"He's so cool when he answered sir like that, ano? I hope I can make gawa that, too." sagot pa ng isa. I rolled my eyes. Mukhang yung lalaking yun ang tinutukoy nila. Akalain mo, sikat ang gagong yun.

Hindi ko na lang sila pinansin at umuwi na ako sa amin. Malayo pa lang at naririnig ko na ang boses ng Tiyahin ko. Mukhang may bagong chismis na naman siyang nasagap o baka may hindi pa nagbabayad ng utang at sinisingil niya.

Laking pasasalamat ko nang hindi niya ako napansin dahik tiyak na magtatanong na naman siya kung nakabinwit na ba ako ng foreigner sa pinagtatrabahuhan ko dahil naniniwala siya na giginhawa ang buhay namin kapag nakapangasawa ako ng kano.

Naabutan ko si Erika na kumakain ng pansit canton. "Ate gusto mo?"

Umiling na lang ako dahil magagalit si Tiya. Nagagalit siya kapag 'humihingi' raw ako sa mga anak niya kahit na sila naman talaga ang nagbibigay sa akin. Pumasok na lang ako sa aking kwarto at ginawa ang aking mga homeworks. Sinisiguro ko kasi na kahit lagi akong tulog, nacocomply ko lahat. Pagkatapos ay lumabas na ako para tumulong dahil oras na rin ng paghahapunan.

"Oh, Ari. Kumain ka na ba?" Tanong ni Tito. Kinupkop niya lamang ako at sakanya na rin ako nakatira for three years now. Umiling ako at umupo na sa tabi niya.


***

AYUUUUUUUUUUN. Chapter 1 is up. I hope y'all like it. Isa ito sa mga kwento na isinulat o mismo sa papel bago ko inilagay dito. Hindi saakin ang orihinal na ideya at nainspire lamang ako sa isinulat ng isang taong espesyal sa akin.

Tulay [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon