T.2

15 0 0
                                    


Kinabukasan, maaga akong gumayak para pumasok. Kapag tinatadhana nga naman, kasabay ko si Alcreza pumasok ng building. nakauniform lang din naman siya pero isinisigaw niya ang karangyaan sa buhay. 


Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad or so I thought dahil nung paakyat na ako ng hagdan ay natapilok ako at sa kasamaang palad, nasalo niya ako. Great. This is real life, Ari. Pero may mga ganitong ganap pa rin. Ugh. Corny. 


Buti na lang at konti lang ang tao ngayon dahil maaga pa. "I'm sorry and thank you." sabi ko habang nakatingin sa kanyang mga mata at bahagyang ngumiti. Ngumiti rin siya sa akin kaya naman nagulat ako.


"Baguhan ka ba. I saw you looking at me yesterday." Umiling ako at sinabing noon ko lang siya nakita. Mauuna ang room nila kaya nagpaalam na ako.


"Doon pa ang room ko. Pasensya na ulit ha?" Tinanguan ko siya at inilagay na ang kamay ko sa bulsa ng palda ko.


"Miss." Tawag niya sa akin kaya naman lumingon ako sakanya. 


"Ingat. Baka matapilok ka ulit eh. Pasok na rin ako." Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti na lang ako pabalik. I shrugged my shoulders with the thought that he is not bad after all. Mukha nga siyang masayahin na tao eh. 

Dumiretso na ako sa classroom at nagulat sila na maaga ako ngayon. As usual, hindi ko na lang sila pinansin. Nang mag-lunch break ay nakasalubong ko si Alcreza. Kumaway siya na sinuklian ko naman ng ngiti at tango. 


"Kakain ka pa lang?" 


"Oo, kumain ka na ba?" Umiling siya at sinabing sabay na kami. Ipinakilala niya sakin ang dalawang lalaking kasama  niya. Si Caleb at Jacob. Hindi na bago sa akin si Jacob dahil madalas siya sa bistro pero ngayon ko lang nakita at nakilala si Caleb. Napansin kong magkamukha ang dalawa ang kabahan lang ay nakasalamin si Caleb.


"Kambal kayo?"


"Hala! Napansin mo agad, Ari." Ani ni Jacob. Mukhang nagulat si Alcreza. Right, we haven't formally introduced each other. Wala namang problema sakin yun. Kinamusta niya rin ako at ang trabaho ko. Si Caleb na rin ang nagbayad ng pagkain namin.


"Thanks, Caleb" Ngumiti siya at sinabing wala lang iyon. 


"Everyday, iba-iba ang nagbabayad ng pagkain namin. One day it's me, the next it's Jacob or Caleb." Sabi ni Alcreza.


"Mukhang wala lang sainyo mga bulungan nila ah?" Tanong niya nang naglalakad na kami. Pasimple kong tiningnan ang paligid at nakatingin sila sa amin. Kilala nga pala siya dito. 


"Ah sanay na ako." Nauna na akong maglakad kay Alcreza. Maaga pa kasi ang shift ko kaya kailangan kong magpagoodshot sa mgateachers ko para madali akong makalabas mamaya. 


Habang naglalakad pauwi, hindi ko maiwasang maisip kung bakit nga ba ako pumayag sa kanila na sumama. I mean, it's not that it's a bad thing. Maybe i really should go out with different people more often kesa kinukulong ko ang sarili ko sa madilim na hawla na ito. Mapait akong napangiti at napatingin sa ulap. How can they be happy? How to be happy?


Ito na naman. Hindi ko pa rin napipigilan ang pagdating mo. Nandito ka na naman. Napahinga ako nang malalim at bumilang ng sampu bago naglakad muli habang dala dala ang bigat sa dibdib ko. 

Tulay [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon