T.5

8 0 0
                                    

Nakatulog ako kaagad pagdating ko sa bahay kaya hindi ako nahirapang magising. Mabilis akong nag asikaso para pumasok. Buti na lang ay may mga tip ako kahapon kaya makakabili ako ng breakfast.

Dumaan muna ako sa 7-eleven malapit sa school at bumili ng sandwhich. Bumili na rin ako ng milktea. Pagkatapos ay naglakad na ako papasok habang kinakain ang sandwhich.

"Good morning po, Kuya." Bati ko sa guard. Maganda gising ko ngayon eh.

"Good morning din po." Ngumiti siya sa akin at tumingin sa likod ko. "Good morning, sir." Napatingin ako dahil baka teacher. Yumuko ako agad at nag good morning.

"Good morning, Miss." Shit. I looked up and it's him. Bigla akong nahiya kaya kumagat na lang ako sa sandwich na kinakain ko.

"Uhm, breakfast?" Sabay abot ko ng sandwich na may kagat na. Hindi naman ako umaasa na kakagatan niya ito dahil baka laway conscious siya ano. Tsaka bawas na 'to. Pero nagulat ako sa kanyang ginawa.

"This is good, huh? Pero ito lang breakfast mo?" Tumango ako bilang sagot.

"You should eat heavy breakfast." Nagsimula na kaming maglakad papunta sa mga classroom namin. Nakita ko si Caleb na naglalakad papunta sa amin.

"Sanay akong hindi nagbbreakfast. Don't worry." Napailing siya sa sinabi ko. I think I heard him whisper stubborn. I don't know.

"Good morning, Caleb. San kapatid mo?" He smiled at me and said his brother might be late for school. Sabagay, baka may hangover nga naman.

"Yan lang breakfast mo?" Tanong niya nang makita ang halos isang subo na lang na tinapay. Sinubo ko na ito at tumango sakanya.

"You should eat heavy breakfast." I looked at him. Magkaibigan nga sila.

"That's what I told her. " I smiled sheepishly at Alcreza.

"Ano ka 'ba. It's okay. Diba dito na classroom niyo? Una na ako." Tumango ako at nakipag fist bomb sa kanila. Alcreza looked amused sa ginawa ko. Si Caleb naman ay parang wala lang.

Tumalikod na ako at naglakad na ulit. Wala pang masyadong tao dahil maaga pa kaya walang masyadong nakakita na magkakasama kami.

Umupo na ako sa pwesto ko at sumandal sa upuan. Matutulog muna ako. Hindi ko namalayan ang oras. Nagising na lang ako dahil sa tilian ng mga kaklase ko.

May sunog ba? Pero wala namang sumisigaw ng sunog. Dumilat ako at nakita ko ang tatlo sa may pinto. Lunch break na agad? Sarap naman ng tulog ko.

"Ari!" Si Jacob pala. He's smiling ear to ear. Si Caleb naman, wala na namang pakealam. Si Alcreza, well. Nakalagay ang kamay niya sa kanyang bulsa habang hawak hawak yung milktea na galing 7-eleven.

Milktea na galing 7-eleven? Teka. Lumabas na ako dahil naririndi na ako sa sigawan nila.

"Miss, you left this. I went here a while ago but you were sleeping." Kinuha ko ang milktea na hawak niya.  Kulay pink ito na may smiley.

"Ah, salamat. Sana pinagising mo na lang ako." Bahagya akong natawa dahil sa sinabi ko.

"Nah. You needed it. Lunch?" I nodded. Dala ko naman na ang phone at wallet ko pati na rin ang handouts.

As usual, nagtinginan sila sa amin. Hanggang cafeteria ay ganun ang nangyari. Si Jacob ang bumili ng pagkain ngayon.

"Oo nga pala, anong program niyo?"

"Business Management." Sabay nilang sagot. They asked me what my program is dahil nasa medicine wing ako.

"Pharmacy."

Tulay [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon