T.3

17 0 0
                                    


Mabilis na lumipas ang oras at ngayo'y nasa bistro na ako. Hindi gaano matao dahil mag alas diyes pa ang dagsa ng mga tao. Nakatoka rin ako ngayon sa pagluluto. 


"Ari, tapos ka na ba dyan? Palit muna tayo." ani ng kasamahan ko na si Axel. Sa katunayan, schoolmates kami ni Axel. Tumango na lamang ako dahil halos dalawang oras na rin akong walang tigil na nagluluto. 


Pinunasan ko muna ang aking kamay bago lumabas. Sakto namang kakapasok lang ni Alcreza. Himala at nandito sa bar ang isang 'to. Nakaakbay ito sa isang babae na sa tingin ko ay schoolmate rin namin. Lumapit na ako sa kanila para kunin ang kanilang order. 


Narinig ko ang babae na nagtatanong kay Alcreza kung may problema ba. Hindi ko na lamang ito pinansin. Mabilis ko lang din nagawa ang mga order nila dahil lagi ko na itong ginagawa. Saglit kong tiningnan ang gawi ni Alcreza at mukhang okay na rin siya. 


 Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. 


"It really suits you. Look at that fine ass, girl!" dagdag pa ng kasama ni Alcreza. Tinalikuran ko na siya at bumalik sa station ko. Nasasayang lamang oras ko sakanya. Hindi naman sa pagmamayabang pero hindi na bago sa akin na sinasabihan na maganda ang aking likuran. Mula yata nang magsimula ako dito eh puro ganun ang madalas kong marinig.


Magaalas dose na nang dumating ang kambal. Tinanguan ko ang mga ito at kinuha ang kanilang order. Puro hard drinks ang kanilang inorder. Akala mo naman talaga walang pasok kinabukasan. Napailing na lamang ako sa aking isipan. 


Malamang nasa bar counter na mamaya si Jacob at ikkwento kung gaano siya nahihirapan sa math o kaya nama'y ikkwento kung ano ang nangyari sa maghapon niya or worse ay magpole dancing na naman. Siya rin ang pinakamahinang uminom sa kanila.  


Sa tatlong taon ko rito, halos alam ko na kung paano malasing ang mga suki namin at hindi ako nagkakamali dahil pagsapit ng ala una y media ay nandito na siya sa harap ko. 


"Hi, Ari. Kumusta?" Nakita ako ni Axel at sinabing pwede ko nang kausapin si Jacob. 


"Hey, Jacob. Okay naman ako. Kumusta?"  Halos isang taon na rin siyang ganito pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit. 


"Okay naman ako. Kanina, tatlo lang mali ko sa calculus. Hindi ko ineexpect na ako, si Jacob, magaaral the night before but I did! Hahahaha." Tumawa siya nang tumawa. Nakalimutan niya atang ako ang nagturo sakanya noon. "I also observed people again."


"Ano naman naobserbahan mo?"


"Well, people are most of the time fake with what they show to everyone, faking themselves. I, myself is fake most of the time, too, because..." 


"Because the society tells us to be this and that?" Tanong ko.


"Yes and it should not be like that." Natamaan ako sa sinabi ni Jacob. Ako mismo sa sarili ko, alam kong pinepeke ko lang madalas ang kung anong nararamdaman ko dahil kailangan kong lumaban. Kinakaya ko pang lumaban. 


"Dala mo ba ang calculus notebook mo?" Tumango siya at kinuha ang notebook niya sa mesa nila. Tuturuan ko na naman siya. Oo, Tinuturuan ko siya kahit alam kong makakalimutan niya na naman 'to paggising niya. Hindi ko nga alam kung paano niya naalala ang mga tinuturo ko o sadyang matalino lang siya.


Pagkatapos ko siyang turuan, umuwi na ako. Hindi ko na rin nakita si Alcreza o ang kambal ni Jacob. Binabagalan ko talaga ang kilos ko para tulog na si Tiya pag uwi ko dahil malamang sasaktan niya lang ako o kaya'y kukulitin kung may mahahanap na ba akong mapapangasawa. 


Nageecho pa rin sa utak ko ang sinabi ni Jacob kanina na hindi dapat ganoon. Hindi ko na alam kung paano ko rin ipapakita ang totoong nararamdaman ko. Napabuntong hininga ako. I just hope someone is there to save me though, to save me from drowning dahil kahit pinipilit kong lumaban, unti-unti na akong napapagod. And just when my tears are about to fall down, someone called me. 


"Miss." Napalingon ako sa pamilyar na boses. 


Alcreza.

Tulay [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon