Chapter 24

197 16 2
                                    

Song by: EXO " First Snow "

Sam's POV
-------------





Maaga akong sumakay ng taxi papuntang Airport.  Baka kasi ma traffic na naman ako sa EDSA at mahuli ako sa flight ko.  Isang maleta at pack bag ang bitbit at karga-karga ko ngayon,  madami pa sana akong dadalhin na gamit ko kaso hindi naman ako doon titira ng pang -habambuhay. Tsaka itong laman ng maleta ko konti lang ang mga damit na dinala ko,  karamihan dito ay mga albums at pictures ko na pina-developed ko para ipakita kay Mommy at Daddy kung ano ang naging buhay ko dito sa pinas.  I'm sure matutuwa sila kapag nalaman nila na marami akong mga awards na natatanggap sa school na pinapasukan ko ngayon. Top dean's lister ako sa classroom namin, hindi naman sa nag-mamayabang pero ako yung Valedictorian sa school namin.  Kahit minsan tinatamad ako sa paggawa ng project pero still lumalaban parin para sa future.

Pumasok na ako sa  loob,  umupo muna ako sa pinaka-dulo.  Nagsimula ng mag-salita ang announcer sa Airport.  Maghintay lang daw ng sampung minuto at dadating na ang Eroplano.  Bumili muna ako ng Piyaya,  galing  pa daw eto sa Bacolod City.  Simula nung natikman ko ang piyaya naging paborito ko na ito. Mas marami pa ang binili ko para dalhan sila mommy at daddy doon,  para naman matikman nila ang gawa ng pinas.

Tinawag na ang mga pasahero para sumakay na sa eroplano. Tinignan ko muna ang pilipinas bago ko tuluyang sumakay ng eroplano.  Kahit magbabakasyon lang ako doon,  hindi ko maiwasan na maging malungkot.  Ilang linggo rin kaya akong mawawala dito,  madami akong ma mi-mimiss  lalo na ang mga kaibigan ko, at.. At si......

" Never mind.  " i shooked may head at hinanap ang aking upuan.

Biglang tumunog ang cellphone ko.  Parang tumalon ang puso ko ng tignan kung sino ang nag-text.  Kung kanina lang ay iniisip ko siya at hindi ko magawang banggitin ang pangalan niya,  ngayon ay nag-paramdam siya.  Hanggang ngayon,  hindi ko parin dine-delete ang number niya. Ewan ko ba,  kung bakit hindi ko magawang idelete ang number niya kahit lagi kung sinasabi sa sarili na kakalimutan ko na siya. 

From Xavier :
- Take care.  I will miss you.  Hihintayin kita sa pagbabalik mo

Yun ang tinext niya sa akin. Nakaramdam ako ng saya dahil hindi ko akalain na malalaman niya na aalis ako.  At yung bawat letra na nakalagay doon pakiramdam ko may kahulugan.  Parang ayoko tuloy umalis at gusto kung makita si Xavier kahit saglit lang.

Stewardess:
- Welcome to Philippine Airlines. Please Turn of your cellphone and gadgets , because in two minutes we will start to fly going to United States . Passengers,  please fasten your seatbelts. Be safe and God Bless.  Mabuhay!


  Nagsimula ng lumipad ang eroplano,  hindi parin mawala sa isip ko ang mga salitang yun.  Nae-excite tuloy akong bumalik ng pinas kahit kakasakay ko lang.  Parang sa isang iglap nawala ang mga lungkot at mga pangako ko na kakalimutan ko na siya dahil sa mga sinabi niya. Sana sa pagbalik ko hindi pa huli ang lahat. 

10 hour's later... 

@UNITED STATES

Pagkalabas ko,  nakita ko kaagad si Manong Bert. Siya ang Pilipinong Driver namin dito sa States.  Mahigit anim na taon na siyang naninilbihan sa amin bilang isang driver.  Walang sariling pamilya si Manong,  kaya dinala siya nila mommy dito sa states upang maging isang driver nila.  Mga kapatid lang ang sinisestintuhan ni Manong kaya hindi masyadong mahirap sa kanyang kalooban ang pag-punta dito dahil siya lang naman din ang bumubuhay nito. Tuwing pasko umuuwi si manong ng pilipinas upang makasama niya paminsan-minsan ang mga kapatid niya. 

Lucky One [COMPLETED]Where stories live. Discover now