Chapter 2

22 3 0
                                    

WARNING: Typos and wrong grammars. Sorry in advance.

Skye's Point Of View

Sobrang bigat ng pakiramdam ko dahil sa nawitness ko kanina.

Half of me wants to tell mom and dad.. pero kapag ginawa ko yun theres a possibility na hindi nila ako paniwalaan at baka ibaliktad din ako ni Heaven.

While the other half.. just wants to stay quiet, because of the same reason.

Ewan ko ba! Pakiramdam ko susuko na ang brain cells ko dahil sa dilemma'ng 'to!

"Miss—?" napatingin ako sa pinto. Nakatayo ang katulong namin doon.

"Po?"

"Dinner na po. Pinapatawag na po kayo ng dad niyo." tumango na lang ako at umalis na siya.

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto ko. Lutang ako pumunta sa dining table.

Pagdating ko dun kumakain na sila. Late ba kong dumating o sadyang hindi nila ako kayang hintayin?

Napatingin ako kay Heaven na kumakain na parang walang nangyari kanina sa mall. Well.. wala naman talaga dahil hindi ko sila naabutan pero yung nakita ko.. hindi ko pwedeng kalimutan yon. P-pati na rin yung...

*FLASHBACK*

Nilibot ko ang tingin ko hoping to see Heaven and that boy pero wala na talaga silang dalawa. 'Di kaya nakita nila ako? Pero wala naman pake si Heaven kung makita man niya ako.. unless she doesn't want me to tell mom and dad.

Uunahan ko na lang siya. Uuwi na ako.

**bahay**

"Bakit parang ang aga mong umuwi ngayon, anak?" narinig kong sabi ni dad galing sa sala.

Anak? Si Heaven lang naman ang mahal na mahal niyang anak na umalis... di kaya?—

Mabilis akong naglakad papunta sa sala. And there I saw dad and Heaven talking.

Tinapunan muna ako ni Heaven ng tingin bago sumagot sa tanong ni dad.

"My friend didn't come po eh kaya I decided to go home na lang. Tska I lost my 5,000 dad." sagot ni Heaven.

"Who would take your money? Wala namang magnanakaw dito satin." takang sabi ni dad.

"I dont know, dad. I really dont know." nakatingin siya sakin habang sinasabi yon kaya pati si dad ay tumingin na rin sakin.

Ano bang gusto niyang sabihin? Na ako yung nagnakaw ng pera niya?

"Ikaw!" galit na sabi ni dad at lumakad papunta sakin. "Ikaw ba ang kumuha sa pera ng kapatid mo?! Sagutin mo ko!"

"H-hindi po!"

"Liar!" nagulat ako nang bigla niya akong sampalin. Napahawak na lang ako sa pisngi kong sinampal niya. "Kung hindi mo kinuha, pano ka nakabili ng mga yan?!" turo niya sa paper bag na hawak ko.

Gusto ko sana sabihin na galing kay mom.. pero may humihila sa dila ko para pigilan akong magsalita.

"You're a disgrace in our family!"

"H-hurting your own c-child is a-a disgrace t-too... don't y-you think?" i said in between sobs.

Alam ko namang sasaktan ako ni dad ulit. Pero at this point, mas gugustuhin ko na lang na umiyak at ilabas ang sama ng loob kesa itago na lang lahat.

Living In Her ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon