WARNING: Typo and wrong grammars. Sorry in advance.
Skye's Point Of View
Nagising ako dahil sa paulit-ulit na pagtunog ng phone ko. Inis kong kinuha yon at tinignan kung ano ang gumagawa ng ingay.
Jhayden Castio: Hey! Good Morning!
Jhayden Castio: Still sleeping? :(
Jhayden Castio: Wake up sunshine!
Jhayden Castio: Damn. You're a heavy sleeper.
Jhayden Castio: I'm sorry if I'm bothering you..Wow. Just wow. Ang sipag niya magmessage ah? Kung ako ang magtatype paniguradong sobrang jologs ko. Nakakahiya lang.
Dahil 9:07am na, naisipan ko na ring ipagpatuloy ang araw ko. Naghilamos ako at nagpalit ng jogging pants.
I want fresh air. Sawa na ako sa hangin na puno ng negativity, the air inside our house.
Tutal medyo napapansin ko na rin ang pagtaba ko. Mabuti na 'to para mamaintain ko ang healthy and fit body ko.
Bumaba ako para sana kumuha ng sandwich man lang pero nakita ko si dad at mom doon kaya hindi ko na lang tinuloy. Ayokong maging dahilan ng pagkakasira ng araw nila.
Sinuot ko ang earpieces ko at lumabas ng gate. Hindi pa masyadong mainit. Perfect.
I stopped dahil may nakita akong maraming boxes sa labas ng isang bahay. May forsale sign pa.
Naisipan kong magpakilala at magalok na rin ng tulong...
pero... magjojogging pa ko.. pagbalik na lang siguro...
baka pagbalik mo wala na yan!
Shush bulate sa utak! Nakikisali ka pa eh.. but you have a point. Sige na nga! Ngayon na ko tutulong.
"Hi po!" i greeted. Napatingin sakin ang isang babaeng may edad na rin. Siguro she's on her 40s.
"Hello! Are you one of our neighbors?" i nodded.
"Can I help po?" i offered. She made way for me, kinuha ko yung box forgetting to ask kung saan ko ilalagay.
Nilapag ko lang yun sa loob ng bahay. Ang laki rin ng bahay nila. It's not as big as ours pero it's still big.
"Who are you?" halos mapasigaw ako sa gulat. Isang batang lalaki.
"Leon, son! Help me here!" tumakbo agad ang batang lalaki para tulungan ang mom niya.
Bumalik ako para kumuha ng mga box. Hanggang sa matapos kami.
"Ano nga ulit ang pangalan mo, iha?"
"Ahm.. Skye po." sagot ko.
"Ah, ok Skye. Ako si Karen." sabi niya.
"Nice to meet you po." nagpunas ako ng pawis. Wow. Parang mas exercise pa ang ginawa namin kesa sa jogging.
"Nahirapan ka ba? Sorry ha. Wala kase ang panganay kong anak para tulungan ako." inabutan niya ako ng panyo na kinuha ko naman agad.
BINABASA MO ANG
Living In Her Shadows
Teen FictionMahirap manirahan sa anino ng iba.. lalo na kung ipinaparamdam pa sayo na hindi ka katulad niya. Buong buhay ni Skye, nasa likod lang siya ng twin sister niyang si Heaven. Lagi sinasabi ng mga magulang nila na 'mas magaling' si Heaven kesa kay Skye...