Chapter 1

30 5 0
                                    

WARNING: Typos and wrong grammars. Sorry in advance.

Skye's Point Of View

Bumangon ako dahil sa ingay na naririnig ko na... nanggagaling sa baba?

Pumunta muna akong banyo at inayos ang sarili bago tignan kung anong nangyayari.

Pagkatapos ay bumaba na ako.

"Woah..! Mom... Dad... you don't have to do this!" nakangiting sabi ni Heaven habang hawak ang box na puno ng.. school supplies..

"No Heaven. You deserve this. Let us pay you back." at nagyakapan nanaman sila.

Minsan pakiramdam ko hindi ako parte ng pamilyang 'to. Lagi na lang si Heaven, si Heaven ang magaling, si Heaven ang worthy, SI HEAVEN NA LAHAT!

Samantalang ako! Si Skye. Naiwan sa dilim.. magisa.. at hindi nabibigyan ng atensyon..

"Gising na pala ang ating prinsesa." sabi ni mom habang nakatingin sa direksyon ko.

Tumingin ako sa likod ko para siguraduhin kung ako yung tinutukoy niya pero... si Angel pala yon. Yung prinsesang tinutukoy niya.

Naglakad si Angel palapit kayla mom.

See what I mean? Sila na lang lagi yung nagkakasama-sama habang ako, naiiwan. It's like I dont even exist.

"Let's have breakfast na." medyo mabigat pa sa loob ko na sumabay sakanilang kumain.

Nitong mga nakaraang araw sa labas na lang ako kumakain. Nakakasuka kase na si Heaven na lang lagi ang topic namin. Don't get me wrong, I love my twin sister and all... pero there is such thing as too much Heaven.

Sumunod na lang ako sakanila kahit labag sa loob ko.

Tahimik akong kumain habang silang pamilya ay naguusap.

"So Skye, anong plano mo ngayong graduating na kayo ng kapatid mo?" muntik na kong masamid, buti na lang nakainom ako ng tubig agad.

Gusto ko na pong malampasan si Heaven, para naman magkaroon na rin ako ng saysay sa pamilyang 'to.

"Gagalingan ko po. Unlike last year, sasali na rin ako sa mga sports activities and other activities." sagot ko.

"That's good to hear, Skye. Sana magtagumpay ka diyan sa sinasabi mong gagalingan." sabi ni dad. Nakita ko ang pagpalo ni mom kay dad na para bang may maling sinabi si dad.

Aaminin ko, may kumirot sa puso ko nang sabihin niya yun... pero anong magagawa ko? Pamilyang ganto or no family at all?

"Dad.." tawag ko kay dad. Tinignan niya lang ako na parang hinihintay ang sasabihin ko. "Pwede po bang makahingi ng pera pambili ng school supplies?.." kinakabahang tanong ko.

Baka kase bigla niya akong bulyawan. Ayaw pa naman niya na nanghihingi ng pera. Pero para naman 'to sa academics.

"Is 5,000 enough?" sabi niya sabay subo.

"Its more than enough dad. Thank you." nagpatuloy na ako sa pagkain habang sila, nagkwentuhan ulit.

Sobrang laki ng diperensya namin ni Heaven, siguro kaya mas gusto siya ng magulang namin kase mas outgoing siya kesa sakin. Isa siyang model habang ako, tambay sa bahay.

Living In Her ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon