Chapter 6: Demon

86 8 1
                                        

Wisteria's POV

Hashi..clan..

"B-brother..why are you..being like this..?"

"You can control the demon, Wist..I can't..I know you can..use this..to defeat our enemies.."

"Brother!!" napaupo ako nang hindi ko na maituloy yung nangyari.

Napatingin ako sa paligid. Nandito ako sa kwarto ko, sa gilid ay nakita ko si Olivia. Magtatanong palang ako nang inunahan niya ako magsalita.

"Anong pakiramdam mo? May masakit pa ba sayo?" tanong ni Olivia. Bakas sa mukha niya ang pag alala. Tumango ako at ngumiti sa kanya. Pero nalungkot ulit ako dahil sa napaginipan ko.

"Olivia. Ang lala ng panaginip ko..nakita ko yung kapatid ko..na may binigay sakin at sinabi niya na..kaya ko daw kontrolin yung demonyo na nasa loob ko..totoo ba yun?" naiiyak kong tanong. Kasi ang gulo na lahat. Pati ang katauhan ko nakakalito na rin.

Niyakap ako ni Olivia."Shh. Wag kana umiyak. Kumain ka muna dahil nanghihina ka parin. Ang dami mong ginawa kaya kumain ka muna." inilapag niya yung pagkain sa mini table kaya kumain na rin ako.

Ang sarap."Luto mo 'to?" tanong ko. Tumango siya at ngumiti."Sarap kamo. Ano ba tawag dito?" tanong ko. Nakita ko na to dati ehh. Nakalimutan ko lang."Sinigang." nagulat ako sa sinabi niya.

Narinig ko na talaga yan. Pero walang pumapasok sa utak ko. Pagod na talaga ako.

Kumain lang ako ng kumain hanggang sa maubos ko yun. Sarap niya sobra promise. Galing talaga mag luto ni Olivia.

Lumabas ako para magpahangin sa labas. Ang huling naalala ko lang ay nakatali ang mga kamay at paa namin ni Olivia kasi nahuli kami pero kasama yun sa plano namin. Tapos hindi ko na alam kung gumana ba plano namin o hindi.

Lumapit ako kay Olivia para magtanong."Olivia gumana ba plano natin?" nagulat siya sa tanong ko pero mabilis na yun tumango."Salamat sa plano mo Wisteria. Gumana plano natin." ngumiti ako pero parang may mali.

Hindi na ako nagtanong pa kasi parang hindi mapakali si Olivia kaya pumunta muna ako sa labas at nag gala gala ako.

Marami pa ring tao dito sa plaza pero wala na akong makitang kakaiba dun.
May nararamdaman nanaman akong may sumusunod sakin. Wala na akong paki dun dahil napaisip ako bigla sa nangyari sakin kanina.

Demon? Hashi Clan? Ang gulo na talaga promise.

"Gusto mo malaman ang totoo?" napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Maxon papalapit sakin. Tumango ako.

"May mga bagay na malalaman mo kapag naghanap ka ng connection dun. Ang pagiging demonyo mo kanina ay hindi mo nailabas ng ganun ganun lang. You want to know how?" napatingin ako kay Maxon. Ang dami niyang alam pero ang nasa isip ko lang ay malaman ang totoo.

"It's for you to find out, Wisteria. I mean, Crizella." napakunot ang noo ko. Ay oo nga, Crizella ang sinabi ko sa kanya. Mag tatanong palang sana ako kung bakit niya alam totoong pangalan ko pero inunahan niya ako."Alam ko na name mo simula pa nung nakita at nakilala kita." tinalikuran niya ako. Unti unti nabubuo ang puzzle sa utak ko. Pero sobrang daming piece of puzzle ang nawawala.

Tapos yung nasa panaginip ko. Makokontrol ko ang demonyo na nasa loob ko, kung alam ko lang kung ano ang gagamitin ko.

Inaalala ko yung sinabi sakin nung kapatid ko daw. Pero wala talaga pumapasok sa utak ko.

Bumalik na ako sa bahay ko. Nadatnan ko si Olivia na naglilinis ng bahay. Napatulala ako dahil hindi ko inakalang napaka sipag pala nito.

"What's with the stare?" nakakunot na  noong tanong niya."Wala. Hindi ko lang inakala na sobrang sipag mo pala." napailing na lang siya at nagpatuloy sa paglilinis. Napaisip ako bigla.

"Olivia. Ano'ng nangyari sakin pagkatapos matanggal yung tali natin kanina?" nacucurious ako. Wala pa akong ideya.

Lumingon siya sakin na parang may nag aalinlangan."You really want to know?" tumango ako na ikiniiling niya. Binitawan niya yung panglinis tapos umupo sa sofa. Umupo rin ako.

"Naging ano ka..naging isang nilalang na puno ng galit at poot. Isang nilalang na nakalimutan lahat ng alaala niya. Naging--"

"Demonyo." pagpapatuloy ko sa sasabihin niya. Napabuntung hininga siya. So it means naging demonyo nga talaga ako.

"A-anong ginawa ko nung naging demonyo ako?" natatakot kong tanong. Narinig ko kanina na walang alaala, ibig sabihin nasaktan ko siya.

"Nagwala ka. Sinugod at pinatay mo sila within just one blow. And then.." huminto muna siya bago magsalita."You attacked me." napayuko ako dahil sa sinabi niya. I really need to control this demon inside me. Kapag hindi, maaaring si Olivia rin madamay.

"Sorry..I lost my mind. I'm trapped inside a dark room. And can't feel anything." malungkot na sambit ko. Natatakot ako kasi pag nagkataon, pati ang mga kakampi ko ay mapatay ko na rin. Si Olivia, Emilia at Earth lang ang mga kakampi ko.

Hinawakan ni Olivia ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya at nangiti siya. So it means she forgives me?

"Hindi ka na kailangan magpatawad. Kasi alam ko hindi mo kayang kontrolin ang sarili mo." natawa ito kaya napatulala ako. Ganun ganun lang yun?

"Pano kapag napatay kita Olivia?! Anong mang yayari sun--"

"Alam kong hindi mo gagawin yon kasi lalaban ka parin." napatingin nalang ako sa kanya. Siguro ganto rin siya sa mga servants niya o mga tauhan. Kaya famous siya?

Pumunta nalang ako sa kwarto ko. Sobrang lalim ng iniisip ko ng napauntog ako sa pader.

"Aww." daing ko. Napatingin ako sa pader. Hindi pala siya pader kasi salamin pala. Napatingin ako sa sarili ko nang may bumalik na alaala sa utak ko.

'You need to be like this. It's for your safety. Para hindi nila malaman na isa kang demonyo.' sambit ng aking kapatid habang inaayusan ang aking sarili.

I look like a normal girl. A normal girl outside, demon girl inside.

"Demon..demon.." paulit ulit kong sabi habang paikot ikot sa kama. Demon it means Hashi Clan is a demon clan. And I'm one of them. So that means..

'Humans is our enemy, Wist. You shouldn't get near them.'

Olivia is my enemy.

She's Delicate (ORIGINAL) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon