Chapter 29

21 2 0
                                    

Kia's POV

Back to basic ulit kami dahil pasukan nanaman. Oh, well. Nag enjoy rin naman kami sa christmas vacation namin. Just like the usuals, kasama namin lahat ng pamilya namin sa pagpapasko at bagong taon.

At new year na new year rin, nag away kaming dalawa ni Steve. And i won't that ako ang may kasalanan. He should understand me, siyempre babae ako at alam niyo naman na kapag month mo ay hindi mo mapigilang hindi magtataray. Natarayan ko lang siya, nagalit agad? Siraulo talaga, bahala siya sa buhay niya! Nyeta siya!

"Hoy Kia! Ano ba, nakikinig kaba saakin?" Asar na sabi ni Vianie.

Sinamaan ko siya ng tingin. Napaka-epal niya talaga kahit kailan.

"Ano ba kasi yun?" Inis na tanong ko.

"Tinatanong ko, kung kamusta kayo ni Steve!" Walang preno niyang sabi.

"Cool off sila ngayon, Vian." Nakangising sabi ni Aila.

"Tss." Palibhasa kasi mga walang love life! Kaya walang problema at sakit sa ulo silang dinadala.

"Ha? Bakit naman? Hoy Kia, bakit?" Pangungulit ni Vianie.

Hindi ko nalang siya pinansin, buti nangalang at nag bell na. Hudyat na para pumasok na kami.

"Una na kayo. Cr lang ako saglit."paalam ko sa kanilang tatlo.

Nag punta agad ako sa cr para gawin ang kung ano mang dapat gawin. Pagkatapos ay agad akong lumabas para hindi mahuli sa klase. Nagulat nalang ako nung may biglang humila saakin habang hinahawakan ako sa braso.

"Sino---Steve?!" Gulat na sigaw ko.

"Mag-usap muna tayo, Kia." Sabi niya habang kinakaladkad ako papunta sa may tahimik na hallway.

"Ano ba? May klase pa ako. Baka hanapin ako nila Aila." Sabi ko.

Binitawan niya naman ako nung tumigil na kami sa paglalakad.

"Ayaw mo man lang ba akong maka-usap?" Tanong niya.

"Ano bang sinasabi mo diyan? Sinabi ko lang namang may klase pa kami ah." Sabi ko. OA siya masyado eh.

"Kung ganun, bakit hindi mo man lang ako kinakausap? Kung hindi kita hinila ngayon malamang hindi parin tayo nakapag-usap ngayon." Sabi niya.

"Alangan namang maghahabol ako sayo para kausapin ka? Baka nakalimutan mong ikaw ang may kasalan saating dalawa. May pagalit-galit ka pang nalalaman diya." Mataray na sabi ko.

"Kia naman! Ilang beses ko ba kasing sasabihin sayo na, pagod nga ako nun?! Hindi ko naman sinasadyang sigawa---"

"Ahh, so kapag pagod ka. Dapat pala hindi kita kakausapin para hindi mo ako masigawan?" Sarcastic na sabi ko.

"No! It's not tha---"

"Bumalik kana sa building niyo. Baka pagod ka parin hanggang ngayon at masigawan mo pa ulit ako. Ma hambalos pa kita ng upuan." Mariing sabi ko at saka siya tinalikuran.

"Kia!" Rinig ko pang tawag niya pere hindi ko na siya nilingon.

Pagod pala ha! Bahala siya sa buhay niya!

***

Aila's POV

Mukhang wala sa mood si Kia nung pumasok siya dito sa classroom. Diritsyu-diritsyu lang kasi siyang umupo sa upuan niya at nag lagay ng headset sa tenga.

"Ano nanaman kaya ang nang-yare sa babaeng yan." Bulong ni Mitch saakin.

"LQ eh, hayaan niyo na." Sabi ko at nag kibit balikat.

This Boy Bestfriend Of Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon