'Huwag ka ng magselos Mahal, alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko ehh'
Totoo ngang may kapalit ang lahat ng saya...
Hindi naman ako nalulungkot
Pero hindi din ako masayaNakikita kita,
Nakikita kitang nakatambay sa labas habang kasama mo siya.
Nakaramdam ako ng kirot sa tapat ng dibdib ko habang lahat kayo'y masaya
Tapos ako ito, nag-iisa at hindi mo man lang kinikibo simula kaninang umagaAno bang ginawa ko?
Ba't biglang lumamig iyong pakikitungo
Nagseselos ako, oo inaamin ko
Anong magagawa ko? Iyon ang nararamdaman koNag-chat ka, sabi mo 'Hi'
Eto ako sagot sayo, 'Hello'
Gaya ng una nating tagpo, simpleng 'Hi' at 'Hello' bumigay nanaman agad ako
Tunay ngang marurupok ang tao
Basta't mahal mo... hindi mo matitiis kahit pa ano.
BINABASA MO ANG
Ang Istorya Nating Dalawa
RandomHindi po ito story talaga na may kwento kwento chu chu... It is composed of quotes and poetry or parang spoken word poetry or kung ano man pong tawag doon kasi hindi ko talaga alam haha basically it is a story in a form of poems? Parang ganun po.