'Hi Besmal!'
Nagulat ako isang gabi,
Nag-chat ang kaisa-isang babaeng pinagseselosan ko sa pulit-ulit na dahilan,
Nakipag usap naman ng maayos, edi kinausap ko rin ng maayosMaya-maya lang gusto na niya ng call sign at naisip pa 'Besmal'
Ano yun? Bespren mong animal? Is that the shortcut of Besmal?Gigil ako ahh, kapal mukha ba? Sapakin kaya kita?
Pero syempre dahil mabait ako bat ko gagawin yun? Plastikan time nalang muna sayo ah? >:D
Payag nalang muna tayo sa besmal dahil mabait nga ako
Maya maya lang akala mo concern talaga si besmal, 'patulugin ka daw ba ng maaga', 'magpahinga ka na daw baka magkasakit ka pa' hanueh na? Plastikan na ba talaga?
Kinabukasan naman nag chat ulit si besmal!
'Uyy besmal may sinabi saakin si ******* na parang ayaw na daw ata ni ***** sayo. Gusto na daw ata niyang makipag-break kaya lang ayaw niya dawng gawin, hinihintay ka nalang daw ata niya na ikaw ang makipag-break sa kanya, huwag mong sasabihin sa kanya to besmal ahh secret lang natin na sinabi ko toh sayo'
Ayan ang sinabi niya, na mas mukhang ikinaguho ko nga yata,
Hinihintay nalang pala niya akong makipag-break sa kanya eh ba't ayaw niya pang gawin diba?
Mas masakit pala na malaman mo sa babaeng pinagseselosan mo na gusto ng makipag-hiwalay sayo ang taong mahal mo.
Salamat nalang rin pala sayo besmal at mukhang naliwanagan na ako.
BINABASA MO ANG
Ang Istorya Nating Dalawa
RandomHindi po ito story talaga na may kwento kwento chu chu... It is composed of quotes and poetry or parang spoken word poetry or kung ano man pong tawag doon kasi hindi ko talaga alam haha basically it is a story in a form of poems? Parang ganun po.