Away, Bati

2 0 0
                                    

'Eto nanaman tayo'

Away dito, Bati doon
Ito ang naging set-up natin nitong mga sumunod na buwan,

Nagseselos ka, sa mga bagay na wala ka namang dapat pag-selosan, kaya tayo nag-aaway,
Lalambingin kita, kaya tayo mag-babati.

Ako naman ang mag-seselos, sa paulit-ulit na dahilan, hindi mo ako kikibuin at sasabihin mo nanaman na paulit-ulit nalang kaya nanaman tayo mag-aaway

Kapag ako na ang nainis, maiinis ka na rin. Ako ang susuyo sayo kahit na ikaw ang may kasalanan

Kapag galit ako, isang 'I love you' mo lang wala na ang galit ko

Pero kapag ikaw ang nagalit, kahit anong 'I Love You' kahit anong suyo ko... wala pa rin, aabot pa rin ng isang linggo saka mo ako kikibuin

Nagsimula ang lahat ng ito nung araw na magkasama kayo at nagselos ako,
Kung hindi ba ako nagselos hindi ba aabot sa ganito?

Sana pala inintindi ko yung nangyaring yun nong araw na yun diba?

Hindi sana tayo away-bati?

Ang Istorya Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon