"Hey man! Where the hell are you?"
"Dude, Chill. I'm on my way. Don't call nor reply, I'm driving."
Pinatay ko agad ang call. Shit! Traffic parin dito sa Pinas, hasle eh!
Pero dami talagang nagbago. Simula nung Greatest Love Story nina Mom and Pops.
Maraming nagtatanong kung anong nangyari sa love story nila. Maraming patuloy na umaasa kung matutuloy ang book 2 ng love story nila.
It was 20 years ago when their love story begun ...
----------
"Dude, Chillax ka lang! Hinay-hinay sa pag-inom, 'di pa nga tayo nakakapag-score sa mga yummy babes dito, lasing kana."
Kahit kailan talaga panira ng moment 'tong si Margarita.
"Epal ka naman eh!" sabi ko, sabay irap sa kanya.
"Torooooy~! Hoy! Alyssa Caymo Valdez tumigil ka nga jan sa kaartehan mo." sabat naman nitong si Gretta.
"Minsan na nga lang tayo mag get-together ganiyan ka pa ka-KJ." sabat din nitong si Mich
"We're-" 'Di ko na pinatapos ang sasabihin ni Marge.
"Ano? Makikisabat ka din?! Okay. You got me. What do you want?" sabi ko sakanila habang nakakunot ang noo ko.
"Yoooown~ Looks like we have our Phenom back!" ngiting abot-langit na sagot ni Mich.
"Let's drink to that!" sigaw ni Gretch. "Cheers~!" sabay-sabay nilang sagot.
"Aaaaah~ Yosh!" sabi ni Marge na para bang ngayon lang ulit nakainom ng alak.
"Aly, I think that girl needs a lil' company." dagdag ni Marge habang taas-baba ang kilay.
Tinignan ko naman ang babaeng tinutukoy ni Marge. Maputi ito, slim, at halatang may pinagdadaanan.
"You think so?" sabi ko sa kanila. "Are you tryin' to say that you're interested on that girl?" pang-aasar ni Gretch.
"What if I say yes?" sabi ko habang naninisik ang mga mata ko.
"Edi yes. Siya, Go na! Lapitan mo na! Bago ka pa maagawan ng iba jan." sabat ni Mich.
"Okay, here it goes." sabi ko.