An Alien Visitor?

463 13 0
                                    

Inis na inis si Dennise sa Anonymous sender na hindi niya alam na si Alyssa pala ang nasa likod ng lahat ng ito. Inis na binato ni Dennise ang kanyang cellphone sa gilid ng kama. Napabuntong hininga na lamang si Dennise, upang mahimasmasan siya sa kanyang init ng ulo. Nilagay niya ang kanyang kanang braso sa kanyang mata. Muntik na siyang makatulog nang may kumatok sa pintuan ng unit niya.

Tsk. Matutulog na sana yung tao eh. Badtrip! sambit ni Den sa kanyang isipan. Pagalit na tinanong ni Den ang nasa may pinto.

"Who is it?!" sabi ni Den habang nag-iintay ng sagot sa pinto niya. "Ate it's me. Dillan."

Mabilis na binuksan ni Dennise ang pintuan. "Come in ..." sabi niya sa kanyang bisita. "Sorry for disturbing you Ate." inosenteng sabi ng binatilyo kay Dennise.

"Nah. Its okay. By the way, I thought you were in the States? When did you came home?" sunod-sunod na tanong ni Den sa binatilyo. "Woah! Woah! Easy there Ate Den. Hahaha!" napatawa na lamang ang huli sa inasal ni Den.

Napangiti na lamang si Den. Na-miss niya 'to. Na-miss niya ang batang ito. Matagal-tagal silang hindi nagkita. Baby pa lamang si Dillan ay inaalagaan at nakikipaglaro na si Den sa kaniya. Dahil laging wala noon ang pamilya ng bata, tumayo si Dennise bilang isang tunay na Ate ni Dillan. Panganay si Dillan sa kanilang magkakapatid. Si Daniella ang sumunod at si Nathan naman ang bunso. Aminin man ni Den ay napaka-weirdo talaga minsan ng batang ito, tahimik at minsan ay para bang may sariling mundo. Pero kahit ganoon 'yon may itinatago itong angking talento katulad na lamang ng paggigitara, pagpiapiano, pagpipinta, pagdradrawing at pagkuha ng mga litrato. Maraming babae ang naghahabol dito kahit na Gangster na tahimik ang dating nito.

"Ate, your smile is so creepy." natigilan ang huli sa pag-iisip at ginulo ang buhok ng binata. "Tsk! Ate Deeeen~. Its so hard to fix my hair and it takes hour to fix it." Inayos ni Dillan ang kaniyang buhok at humarap sa kaniyang Ate at nagpogi pose.

"Gwapo na ba? Do I look like Luke Hemmings na or Niall Horan?" natawa na lamang si Den sa ginawa ng huli. "Wala namang nakabukas na bintana, 'di rin naman nakabukas ang aircon pero ... Ba't parang ang HANGIN?" binigyang-diin talaga ni Den ang salitang 'hangin' pero sinimangutan na lamang siya ng binata.

"Jusko! Mas gwapo ka pa sa mga iyon, bunso. Jesus! You don't know how much I missed you. Can you give your Ate a SUPER HUG first?" naka ngiting tanong ni Den kay Dillan. "Ofcourse Ate."

Nagyakapan ang dalawa ng sobrang tagal. Makikita mo talaga sa kanilang mga mata at mukha ang tuwa at ang pagkamiss sa isa't-isa. "I missed you so so much, Dillan." humiwalay ang binatilyo sa yakap. "Me too, Ate." ngumiti ang huli sa kanya.

Magsasalita na sana si Dennise ng mag-vibrate ang cellphone. Susot naman 'to! sabi niya sa kanyang isip. Nang buksan niya ang message ay nagulat at nainis na lamang siya rito.

"Something happened?" tanong ng binatilyo sa kanya. Tinignan muna ni Den si Dillan. "Nah! Just wait here, 'kay?"

Pumunta si Dennise sa may balkonahe ng kanyang unit. Sinubukan niyang tawagan ang anonymous sender, pero ring lang ito ng ring. Mas lalong nainis si Dennise sa nagtext sa kanya, kaya hinayaan na lamang niya ito at bumalik sa kwarto kung nasaan si Dillan.

-------------

Napuno ng asaran, tawanan, kulitan, lambingan ang gabi ni Dillan at Dennise. 7:30 na nang magpaalam si Dillan sa kaniyang Ate.

"Ate, I really have to go. Its getting late." naka ngiting sambit ng binata kay Den.

"Sige. Ingat sa pagmamaneho ha! Pakabait. Yung studies mo, 'wag na 'wag mong papabayaan." bilin ni Den sa kanya. Napakamot na lang ang huli sa kanyang ulo.

Dinaig pa si Mom eh. sabi ni Dillan sa sarili.

"Sige na. Anong oras na. Malamang sa malamang, nagkakagulo na yung mga tao doon kakahanap sayo. Alam mo naman yung mga yon." sambit ni Den sa kanya. Natawa naman ang huli sa kanyang Ate.

Hinatid ni Dennise si Dillan sa may parking lot kung nasaan ang kotse nito. "Grabe! Rich kid!" sabi ni Dennise habang sinusuri at iniikot ang buong sasakyan.

"Hindi naman. Mom and Dad just bought it for me." sabay pakita ng mga ngiti

"Yaman niyo talaga!" sabi ni Den "Nagsalita ang hindi!" at sabay na nagtawanan ang dalawa.

Pumasok na sa loob ng kotse ang binata. "Sige Ate Den! I have to go na. I'll catch up with you again sometime." sabi ni Dillan habang naka dungaw sa bintana. "Okay. Take care, okay? Be careful in driving." at binaba na ng binata ang bintana ng kanyang kotse at saka pinaandar.

----------------

Kasalukuyang tulala si Den sa may ceiling ng kaniyang kuwarto. Nag-iisip ng kung ano-ano ng biglang sumagi sa utak niya si Alyssa. Nakalimutan niya rin na ibigay ang jacket nito.

Sa gitna ng pagdaday dream niya kay Alyssa ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Shit talaga! sabi nito sa isip-isip niya.

Ng tignan niya ito ay ...

A Story About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon