Broken

829 16 1
                                    

Sinubukan kong lapitan yung babae. Mukhang naunahan na ata ako ah.

"'Wag na lang kaya?" tanong ko na may kasamang pangamba.

"Aatrasan mo yan? 'Sus. Weak ka naman pala eh!" pang-aalaska ni Gretta. Bwiset na 'to.

"Akin na lang 'yan kung ayaw mo." sabi ni Marge na abot bunbunan yung ngiti.

"Bastos!" sigaw nung babae sa may kabilang table. "Ano yun?" sabi ko sa kanila.

Sinubukan 'kong lapitan yung sa may sumigaw. Laking gulat ko na yung sumigaw ay yung babaeng susubukan ko sanang pormahan.

"Anong nangyayari?" bulong ni Mich kay Marge.

"Mukhang nababastos yung Yummy Babe dun." sabi nito habang nakikichismis.

"Grabi naman yung Guy. Gwapo sana kaso manyak." sabi nung babae sa unahan ko.

Yan? Gwapo? Eh labas lahat ng Gums? Eh, kamag-anak ata nan yung Gummy Bear sa may kanto eh.

"Ano ba? Let me go!" sigaw ulit nung babae.

Nakita 'ko yung pagkakahawak nung lalaki sa pulso nung babae. Aba! Loko 'to ah! Kinaladkad pa ng loko.

'Di na ako nakapagpigil lalapitan ko na sana kaso may humawak sa braso ko. Paglingon ko si Gretchen lang pala.

"Saan ka pupunta, aber?!" tanong niya sa akin. "None of your business." Bago pa man ulit siya makasagot lumakad na ako papalayo.

Nang makalapit ako sa kanila ay sinuntok ko nang malakas si Gummy Boy. Nagulat ang lahat sa ginawa ko.

Tumingin naman ako 'don sa babae at halatang gulat na gulat kaya napatingin 'rin siya sa akin.

"Run!" 'yan na lamang ang nasabi ko sa kanya. Habang tumatakbo kami ay naramdaman ko naman na hinahabol din kami.

"Come back here you filthy bitch!" sigaw nung isang lalake kaso 'di na namin 'yun pinansin.

'Di ko na malayan na nakapunta na pala kami sa may parking lot at naligaw na siguro namin yung mga humahabol sa amin. Hawak ko kasi kamay niya kaya sumusunod na lang siya sa akin.

Sumandal muna ako sa may hood ng isang kotse, samantalang nakahawak naman siya sa may tuhod niya at nakayuko.

"Tha-thank yo-you." sabi niya sa akin habang nakayuko pa 'rin.

"It was nothing. Kilala mo ba 'yung mga 'yun?" tanong ko sa kanya.

This time tumingin na siya sa akin at umayos ng tayo. "Sa tingin mo? Magpapabastos ba ako ng ganon kung kilala ko yung mga 'yun?"

I looked at her for a few seconds. Infernes, ang flawless niya, maputi at BLUE EYES siya.

Then I popped out of my bubble and woke up to reality. "May point ka." sabi ko.

Hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala sa kanya ng pormal. I reached out my hand "Alyssa Caymo Valdez, but you can call me Aly or Ly." then I gave her my sweetest and killer smile. Ma-inlove kaya sa akin 'to? 'Di naman siguro. Halatang straight 'to eh.

Tapos kinamayan niya 'din ako. Wow! Ang soft ng kamay niya. Para akong humawak ng sandamakmak na bulak.

"Dennise Michelle Garcia Lazaro." tapos ngumiti siya na abot hanggang heaven. Shems! Heaven naman talaga eh.

"What a lovely name." sabi ko sa kanya. Namula siya, OMG kinikilig ba siya? "Thanks." sabi niya habang nagpipigil ng kilig.

Nakita ko yung damit niya na basa at amoy alak. Hinubad ko yung jacket na suot ko magmula kanina. Pinatong ko iyon sa balikat niya, nagulat man siya ay sinuot niya ito ng maalala siguro niya na basa ang damit niya ng alak. Tapos bigla na lang tumahimik.

A Story About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon