☘ Tagu-Taguan ☘

21 1 0
                                    

"Tagu-Taguan"

Tagu-taguan maliwanag ang buwan. Wala sa likod, wala rin sa harap. Pagbilang kong sampo nakatago na kayo.

Isa. 

Unang araw kitang nakita, mga ngiti mo'y nakakahawa. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Nakakalito, nakakakaba, at nakakasaya.

Dalawa.

Nakilala kita, Mark pala ang iyong pangalan. Tayo'y naging kaibigan, at totoo nga pala, sa pagiging kaibigan nagsisimula ang lahat.

Tatlo.

Paglipas ng tatlong taon, ako'y unti-unting nahuhulog sayo na para bang buhos ng ulan– buhos ng ulan na bumabagsak nang dahan-dahan.

Apat.

Bawat araw, bawat oras at bawat segundo, ikaw ang tanging laman ng aking puso't isipan. 

Lima.

Tinatago na lamang, ang munting karamdaman. Sa ilalim ng maliwanag na buwan, ako'y umaasa na sana tayo nalang.

Anim.

Napag-isipan kong umamin sayo. Sabay tayong tumitingin sa mga bitwin nang sinabi ko ang aking munting damdamin. Nakakabaliw man na hindi mo man lang ito napansin– napansin ang pagkakabaliw ko sa iyo. Ganoon ka na ba kamanhid?

Pito.

Ang iyong mga mata ay nagugulumihanan– halata sa iyong mukha ang pagkabigla. At doon ko napagtanto, na hindi mo maibalik ang pagmamahal ko sa iyo.

Walo.

Ako'y lumayo, lumayo sa piling mo. Umaasa na kusang mawawala ang aking nararamdaman sa iyo. Tumakbo ako nang tumakbo, ngunit hinabol mo ako, at niyakap nang patalikod.

Siyam.

Ika'y umamin. Mga salitang hinding-hindi ko makakalimutan mula sa iyong mapupulang labi. Bagkus na paulit-ulit itong naririnig ng aking mga tenga. "Mahal rin kita, Janna. Matagal na."

Sampo.

Hindi naman pala kinakailangan, maglaro ng munting tagu-taguan. Taguan ng karamdaman, mula sa aking minamahal. 

Handa naman kayo o hindi, hahanapin ko na kayo!

At nahanap ko na nga, ang siyang iibigin kong totoo.

☘ --- ☘    

Salamat sa iyong pagbabasa.

| One Shots | Poems | And More |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon