Panimulang akda

40 4 9
                                    

Lahat naman tayo may pangarap di'ba? Nangarap pumuti, gumanda, sumexy. De, joke lang. Ito seryoso na!

Lahat tayo nangarap ng marangyang buhay. Na sana walang naghihirap. Libre nama'ng mangarap hindi ba? Walang nagbabawal, kaya sulitin.

Simple lang naman pangarap ko eh. Malapalasyong bahay, gigising ka para lang kumain, pumapasok sa isang international school. Hatid sundo ng isang magarbong kotse at higit sa lahat masayang pamilya.

"PRINCEEEESSSSS!!!! Ano ba?! Tutunganga ka na lang ba dyan? Tanghali na, aba kumilos ka na dyan!"

Umagang-umaga ang ingay ni Mama. Istorbo-_-"

"OPO, ma. Adyan na!" Ako

"Ano bang ginagawa mo'ng bata ka? Nagde-daydream kana naman siguro sa harap ng salamin no?" Mama

"Ingay niyo naman Ma! Wala namang masama dun eh. Libre kaya mangarap!" Mama

"Haynako, h'wag ka ng umasa. Forever ka ng ganyan! Ganyan kapangit." Diko na lilingunin kung sino yung nagsalita. Umepal na naman yung papansin ko'ng kapatid. Kung umasta akala mo kontrabida sa pelikula eh. Syempre ako ang bida! MWAHAHAHAHAHAHAHAHA (^_____^ )

"Psh! Dito na naman yung epal. Kausap ka ba?" Ako

"Aba't hoy! Sino sinasabi mo'ng epal?" Ate

"Sino ba? Ah, yung palaka ate." Ako.

"Aba't talaga naman." Napaka-pikunin talaga. Lumalaki ng butas ng ilong niya nakakatawa. Haha

"Hoy kayong dalawa dyan. Tumigil na kayo, nag-aaway na naman kayo eh! Tulungan niyo na ako dito sa Carenderia kesa mag-bangayan pa kayo diyang dalawa! May pasok pa kayo." Mama

"OPO MA!" we said in unison.

"HMMPP!" Sabay walk-out.

Hindi pa ba ako nagpapakilala? Ako nga pala si PRINCESS JANE SANTOS DELA CRUZ hindi kagaya ng pangalan ko, hindi isang mala-fairy tale ang buhay ko. Simpleng pamumuhay lang meron kami nila Mama pero kahit papano nakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw. 

Meron kaming isang munting karinderya, ayan ang kinabubuhay namin. Sapat na para matustusan ang pangangailangan namin sa araw-araw.

Yung mukhang palakang kapatid ko naman na palaging epal sa buhay ko ay si CRISTINE SANTOS DELA CRUZ. Layo ng pangalan namin, palibhasa pangit siya. Haha! joke ✌ Kahit panira ng araw ko yan si ate mahal ko yan. Di nga lang halata. ^^)

Yung mapagmahal ko'ng inay naman ay si aling Susan. Wala na kami'ng Papa dahil matagal na siyang patay. Na-hit and run siya ng rumaragasang kotse habang pauwi galing trabaho. Matagal na yun kaya naka'move-on na kami nila Mama, LIFE GOES ON kumbaga.

Oh siya. Madaldal na'ko masyado, marami pa'ng dapat gawin.

Tinulungan ko na sila Mama sa carenderia, may katulong naman si Mama kapag nasa school kami ni ate, si ate Pipay.

Mabait siya kaya lang para may saltik din minsan. HAHAHA!

"Hoy babae! Ano tatanga ka na lang dyan?" Si ateng epal na naman.

"Makapagsalita ka naman dyan eh ikaw nga  naka-display diyan wala namang ginagawa." ako

"Syempre pampaswerte ako no, para maraming bumili." Nangarap na naman.

"Ah oo ate. Pampaswerte ka talaga." ako

"Syempre naman no. HAHAHA!" Ewww.

"Maglagay ka ng piso sa bunganga mo tas ikampay mo yang kamay mo. Tutal mukha ka namang palaka eh, bagay sayo." WAHAHAHA

"Naku mga batang to talaga. Oh sige na, magsikilos na kayo. Kumain na kayo dyan at may pasok pa kayong dalawa." Mama

"Opo ma." Hay. Kalbaryo na naman to -______-"

** To be continued

A/N: First story ko po ito sa Wattpad. Sinubukan ko lang po kung kaya ko'ng magsulat ng story kaya sana po suportahan niyo. Sana may makabasa nitong gawa ko.

Princess Wanna BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon