Chapter 10

982 27 0
                                    

Chapter 10

Dennise Point of View

Nakangiti ako habang pinagmamasdan si Ella at Mae na magka-yakap.

Sa wakas! Naging sila na din. "Party na!!" Sigaw ni Ella.

Dito sa tabing dagat ang ginanap ang party, dito ko talaga pina-pwesto para maganda at memorable.

Kumuha ako ng can beer. Lumayo ako sa kanila, umupo ako sa buhangin at binuksan ang can beer na hawak ko.

Nakangiti kong pinagmamasdan ang alon ng dagat. "Hi." Lumingon ako sa nagsalita.

Umupo ito sa tabi ko. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko kay Alyssa na may hawak rin na can beer.

"Masama? Sabihin mo lang, aalis ako."
"Hindi." Sagot ko.

"Kamusta kana? Two years tayo hindi nagkita, ang daming nagbago sayo."

"Pero hindi nagbago ang pagmamahal ko sayo." Mahina kong bulong.

"Ano yun?" Tanong niya.

Mabilis naman akong umiling. "Wala, okay naman ako. Masaya pero may kulang pa rin."

"Ano ang kulang sayo?"

"Wala. Kamusta kana pala? Balita ko mayaman kana ah."

"Hindi ah." Tumawa siya ng bahagya. "Baka ikaw yung mayaman. Doctor kana ba?"

"Hindi pa, one year pa bago ako maging tunay na isang doctor." I said.

"Oh that's good, malapit muna pala matupad yung pangarap mo."

"Yeah, malapit na. Kamusta love life mo? May girlfriend kana?" Kapal ng mukha ko mag-tanong noh?

"Wala, hindi naman kita pinalitan." Napatingin ako sa kanya. Tama nga ako, lasing na siya. Kung hindi siguro 'to lasing, edi hindi ako nito nilapitan.

"Hindi rin naman kita pinalitan." I softly said.

"Pa'no kita papalitan? Kung hindi naman tayo nagbreak."

"Lasing kana, kung anu-ano na pinagsasabi mo."

"Hindi ako lasing, tama naman ako diba? Hindi ka nakipag-break sakin, iniwan mo lang ako basta-basta." She said.

Parang tinusok ng karayom ang puso ko nang makita kong may tumulong luha sa kanyang mata.

"I'm sorry." Napatungo ako.

"Sorry lang? Pagtapos mo ko iwan sa kama at babalik ka ng parang walang nangyari tapos sorry lang?!"

Tumataas na ang boses nito kaya hinawakan ko ang kanyang kamay pero tinabig niya ito.







Alyssa Point of View

Hindi ko alam kung bakit gusto ko ilabas ngayon ang sama ko ng loob, siguro dahil lasing ako.

Hindi ko rin alam kung saan ako nakakuha ng lakas para lapitan at kausapin siya.

"Para rin naman sa atin kaya pinili ko iwan ka."

"Amg selfish mo, Den. Hindi mo man lang inisip yung mararamadaman ko bago mo ko iniwan."

Okay lang kahit mag-sigawan kami, wala naman tao tsaka malayo kami sa mga barkada.

"Aly umalis ako kahit masakit sakin na iwan ka, umalis ako para matanggap ni Lolo ang relasyon natin. Alam mo ba Ly mahal na mahal kita, kaya nung sinabi sakin ni Lolo na sumama ako sa kanya sa america at papayag na siya sa relasyon natin, hindi ako nagdalawang isip na sumama. Dahil mahal kita at gagawin ko lahat kahit masakit para sakin."

So yun pala ang dahilan kung bakit niya ko iniwan. "Bakit hindi mo sinabi sakin?"

"Natakot ako Aly kaya minabuti ko nalang itago sayo. I'm sorry." Umiiyak na rin ito.

Hinila ko ito at niyakap ng mahigpit. "I'm sorry, hindi ko alam. I'm sorry, i'm sorry, i'm sorry."

Akala ko iniwan niya ko para magpakasaya, yun pala nasasaktan din siya. Ang tanga ko!

<Fast Forward>

Nang matapos ang drama namin, minabuti namin na pumunta na sa aming hotel room.

Pagpasok namin sa loob, naupo agad ako sa kama habang siya ay sa couch. "Aly may sasabihin sana ako sayo."

"Ano yun?"

"Gusto kasi ni Lolo na bumalik ako ng america pagbalik natin sa manila, gusto niya isama kita."

"Why?"

"Because pwede lang ako bumalik ng america kapag kasama kita, ayaw ni Lolo na hindi ka kasama."

"Bakit kailangan kasama ako? Hindi naba siya galit sakin?"

"Hindi na. Nangako kasi ako sa kanya na kapag nagawa ko na yung hiling niya sakin, dadalin kita sa kanya."

"Cge sasama ako, sa september pa naman ang simula ng PVL."

"Salamat."

Humiga na ito sa couch at pumikit. Ganun din ang aking ginawa. Pero pinatay ko muna yung lampshade.




End of Chapter




Don't Forget To VOTE and COMMENT if You Like This Chapter

Everyday I Love You || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon