Based on my own experience lang po ito ha...

2 0 0
                                    

>malaking tulong sakin yung peso sense talaga... Sana maaga ko nalaman ito , kaso recently lang.. So magimpok pa tayo...

>Monthly rent
    2months advance 2 months deposit
(so far eto palang yung highest na naexperience ko when renting)
Check the contract

>electric bill
Save atleast 1k per week for exclusive use of electric bill only... 4k a month na yan... Isakto mo sa billing date... Pag sobra e di good idagdag sa susunod na bill para hindi ka masyado mamoblema...
Natry ko na din yung prepaid meralco
If you want to use aircon sa gabi.. 5pm to 6am estimate nasa almost 4thousand ang allotted budget mo dapat.. We are using 1fan 1tv 1tvplus 1aircon 1ricecooker  1minirefrigerator 1electricstove 3lightbulb cellphone chargers since 3 kami madalas sa unit

Tip: load your own sa prepaid meralco para may kita ka parin =)
Kesa magpaload ka sa ibang load dealers, hindi ko lang alam kung pwede sa mismong meralco center kung pwede don magpaload for prepaid meralco

1100 ang bayad-1000 ang dadating na load

Kaya ginawan ko ng paraan kung paano makaload sa sarili..

>water bill
Depende sa inuupahan mo kung sariling meter ka o sila nagcocompute..

>dito na tayo sa allowance
Naestimate ko na sarili ko eh... 3000 for a week.. Uhhmmm 4000 siguro para mejo nakakahinga ka plus may savings ka pa, bihira kase ako magcommute,
Dito ko na kinukuha lahat.. Bukod lang yung rent ng dorm
Especially food, grabe sobrang matakaw ako....
Kapag gusto kong kumain sa labas... Ilang araw akong nagtitipid .. Yes tipid para macompensate.. Like jollibee, almost 300 pesos yung kaya ko pag sobrang gutom ko

So, ano usually ang needs for everyday living?
Breakfast
Meryenda
Lunch
Meryenda
Dinner
Midnight snack minsan pag nagcravings ka

Is it best to have food grocery? Yes! Lalo na kung mapili ka sa food..
-rice yes! Dahil nakakatipid ako dito imagine kung mula bfast nagririce ako?? Para na kong bumili ng isang kilong bigas lagpas pa, pero pag pagod ako, bumibili nalang din ako... Nagdidine in pa sa carinderia...
-para na din pag tag-ulan o wala ka sa mood lumabas ng bahay... Just check the expiration date

-dahil mahilig ako sa sawsawan... Kasama sa budget ko lahat ng condiments talaga.. Pati personal hygiene, panlinis ng banyo ganun
-catsup ,mang tomas, toyo, suka, patis, magicsavorr, asin, paminta, mantika, chicken cubes, pork cubes
Basic needs ko sa kitchen hehehe
+drinking water 1 gallon

>Transportation allowance
-kase nga malapit lang yung school ko so naglalakad lang ako... Exercise na din hehehe
Pero mas better may allotted budget ka per week tapos idagdag mo lang muka syang ipon pero magagamit mo parin yan pag biglang maggrab ka... Or jeep...

>Load/internet
-kung kaya ng free fb why not dba..
Pero madalas.. Naka 1week data.. 90 pesos a week 360 a month

>Medicine/maintenance
-eto kailangan mo talaga.. Habang nagggrow up ka, nakikita mo ang kahalagahan ng healthy living
(Basic: paracetamol sakit ulo loperamide pagnagka lbm ka antihistamine para sa allergy
Neozep sa sipon bioflu alaxan solmux ganon...

>Medical/dental
-have a check up para sayo din yon

>Utilities
-nasira yung door.. Yung doorknob.. Yung tubo sa banyo.. Yung gripo

-unexpected yon dba...

ano pa ba? Uhhmmm...

Use electric stove ... Mas prefer ng condo/dorm. Mas safe kase sya...

>Daily journal
Para nalilista mo lahat ng expenses mo everyday... Mabilang kase ako hanggang sa kapisohan.. Hahanapin ko talaga hindi ako makatulog kung saan napunta eh..
-sinubukan ko yung iba ang planner sa everyday gastos and planner para sa mga things to do... So imagine mabigat sa bag dba... Sa susunod alam ko na..isang malaking planner talaga.. Para nandon na lahat.. Isang planner lang dala mo.. Then kung ayaw mo.. May software apps na pwede idownload.. Pero mas gusto ko parin isulat kase...

>4 cans or pouches or envelopes
A. Housebills
B. Stand by
C. Grocery
D. Savings na barya, mahirap pag walang barya..

I prefer magbayad kase ng sakto lang sa jeep para wala na hihingin pang manong sukli po.. Atleast less hassle

Punta tayo sa savings
Dahil recently gusto ko mag join ng mga tour nag allot na din ako para sa travel/vacation fund ganon, hehehe
Pinagiipunan muna bago aalis... Iwas utang yon hehehe

Travel/vacation fund
-yung paggusto mo mag 2d1n na tour or beach... Ang mahal kase ng DIY pero hawak mo oras mo... Pero kaya naman makisama ... Yes to joiner ...

Emergency fund
-yung tipong 6months to 9months walang income.. Mabubuhay ka pa...

Savings
-pwedeng long term or shortter, pag may kailangan kang bilhin...

Ps. Eto lang yung naencounter ko while having dorm with siblings/classmates
Ps2. Gawa ako yung pang working/adult life/independent living pag naexperience ko na ha.. 😁

Things to consider when you want to live alone or be independent =)Where stories live. Discover now