Chapter 2

16.1K 316 6
                                    

"Ecia!" Awat sakin ni Sister Lucia.

"Okay lang po ako, Nanay Lucia." Sagot ko habang hindi ko tinatanggal ang tingin ko sa dalawang lalaking kausap ni Nanay. "Hindi ba kayo nakakaintindi ng tagalog? Well, I was inquiring your boss' name." 

"Ecia." tawag ni Nanay sa kalmang boses. 

 "Sumagot kayo!" Sigaw ko sa kanila na ikinagulat nilang dalawa. Nagkatinginan sila sa isa't-isa. Marahil ay hinihingi ang tulong ng bawat isa.

"Hmmm sorry miss pero hindi po namin basta-bastang sasabihin ang pangalan ng boss namin." Paliwanag ng isa.

"At bakit hindi? Anak ba siya ng pinakamayamang tao dito sa mundo at confidential ang bawat detalye ng buhay niya?" 

"Relax anak." Hinawakan ni Sister Lucia ang braso ko pero hindi ako nagpaawat.

"Hindi nay eh. Sobrang unfair. Hindi dahil marami silang pera ay pwede na nila tayong paalisin" Sobrang nasasaktan ako ngayon para sa mga bata. Iniwan na nga sila ng mga magulang nila eh mawawalan pa ba naman sila ng tirahan?

"Alam ko pero wala na tayong magagawa." Bulong niya at niyakap ako. Umiyak lang ako sa balikat niya habang nanonood ang dalawang lalaki. Nang mahimasmasan ay muli ko silang hinarap.

"Maawa naman kayo ko. Gusto ko lang kausapin ang boss ninyo. Kung pwedeng magmakaawa sa kanya wag lang niya kaming paalisin. Kawawa ang mga bata. Inabandona sila alam niyo ba yun? Yung iba nanggaling sa pamilyang walang ibang ginawa kundi ang hampasin sila ng kable at kung anu-ano pa. Kung mayaman ang boss niyo ay hindi na niya paalisin ang mga batang ito para lang makapagpatayo ng resthouse. Please maawa kayo." Muli na namang tumulo and luha ko. Hindi ko alam pero parang hapung-hapo ako ngayon. Ilang taon na akong namumuhay mag-isa pero ngayon lang uli ako nakaramdam ng pait at sakit. 

Ayokong maramdaman na naman nila ang naramdaman nila noon na inabandona. Saan sila titira? Sino ang mag-aalaga sa kanila? Sigurado akong uuwi na si Sister Lucia sa kanila para sa isang orphanage doon kapag nawala ang AACO. 

Nakita kong nagbulung-bulungan ang dalawa bago magsalitang muli. 

"Hindi po namin sasabihin ang pangalan ng boss namin ngayon pero babalik kami bukas miss. Tatanungin namin siya kung pwede ba naming sabihin ang pangalan niya sa'yo."

Tumango naman ako ng mahina at maingat na naupo. Parang nawala lahat ang lakas ko dahil sa nalaman ko ngayon.

"Aalis na po kami Sister Lucia. I am so sorry po."

"Salamat rin mga iho at kung pwede naming makausap ang boss niya ay sabihin niyong gusto ko siyang makausap sa lalong madaling panahon." 

"Sige po."

"Sorry Sister Lucia." Hinging paumanhin ko sa kanya nang makalabas na ang dalawa.

"Alam ko ang nararamdaman mo, Ecia." Niyakap niya ako at eto na naman ang mga luha kong kanina pa naglalandas sa mukha ko.

"Paano na ngayon, Nay? Paano sila Angelo? Sila Tamtam? Paano na ang mga bata?" 

"Magdadasal tayong lahat. Magdadasal tayo." 

Mahirap man magpanggap na okay lang ang lahat ay pinilit ko pa ring ngumiti sa harap ng mga bata. Pagkatapos nila akong kulitin kung bakit ang tagal kong nawala ay heto at busy na naman sila sa pagsusulat. Ang iba ay tahimik na naghihintay na mabakante ang ibang lapis dahil na rin sa sampu lang ito.

Lumipas ang mga oras ay nagpasya na akong umalis para sa trabaho ko. Street sweeper ako at may sweldong P100 every night. Hindi na rin masama kesa wala akong ginagawa diba?

Be My WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon