8

16 0 0
                                    

****

Nandito na kami sa isang round table,buti kumalma na si Karl,nag-uusap sila ni James.

Nasa right side ko siya,katabi si James,nasa isang mahabang sofa kami.

May mga kasama din kaming iba,2 boys from basketball and soccer team and Raff is with a girl,maybe fling?

"You look really good Red."

Puri sakin ni Ken,captain ball nila Karl sa basketball team,naka upo siya sa sofa na kaharap ko.

"Thank you Ken,ikaw din you look good"

"Wow,dapat na ba kong magpaparty,sa wakas napansin mo na din ang kagwapuhan ko,haha"

"Haha,ganun?bakit,pinapansin naman kita kapag nagpupunta ko sa mga practice at games ninyo"

"Hindi kaya tayo ganong nakakapag usap,ngiti lang kasi naman,sinasapawan ako nitong si Karl,ayaw ka man lang palapitan sakin."Aniya ng nakangiti.

Gwapo din to si Ken,medyo moreno siya,musculine dahil player,matangos ang ilong at saka maganda ang mata.Atsaka nababaitan ako sakanya,sa lahat ng team mates ni Karl,eto yung pinaka kasundo ko,palangiti kasi.

Yung iba kasi nilang kasama hindi ko trip,mga babaero kasi at iba kung makatingin sakin,ewan ko ba.

"Hindi ka na nasanay dito kay Karl,alam mo ng over protective to sakin."

"Yeah,pero Red,seryoso,bakit ba wala ka pang nagiging boyfriend?Look,napaka ganda mo,sexy and most of all matalino,how come na wala kang bf?"

"Hm,nag fofocus kasi ko sa studies ko,atsaka dito pa lang kay Karl nakukunsumi na ko,dadagdagan ko pa ba ng isa?haha"

"Haha,sabagay,pero sayang din,napakaraming boys sa school ang gustong manligaw sayo. "

"Madami talaga?haha,hindi kaya."

"Naku,believe me,madaming madami."

"Sabi mo eh,don't worry,I'll try."

"Try what?"

"Umh,to entertain some of those "madaming boys" na sinasabi mo,haha."

"Woah!really?di nga?"

"Oo nga,tutal graduating na din naman ako,saka kinukulit na din ako nitong pinsan ko",sabay turo kay James na busy pa din sa pakikipag usap kay Karl,if I know,nag hahanap lang yang dalawa ng babae,haha.

"Wow,just wow,great!Di pano ba yan,pwede na pala kong pumila?"

"Haha,pila saan?"

Medyo nagtatakang tanong ko.

"Sa mga manliligaw sayo,baka naman pwedeng ilagay ako sa medyo unahan,tutal matagal tagal na din tayong magkakilala."

"Hahaha,adik!laugh trip ka naman Ken!"

"Hindi nga,seryoso ko Red."

"Oh sige,dahil close tayo,ilalagay kita sa first batch."

Natatawa ko na lang sabi sakanya.

"Hahaha,sabi mo yan ha!"

"Mukhang nagkakatuwaan kayo ha."Si Karl.

"Oo pre,magpapaligaw na daw kasi tong baby mo."Sagot naman ni Ken.

"Huh?bakit hindi ko alam yan Red?"

"Ano ka ba naman Karl,wala yun,tara sayaw tayo!dali!"

Tumayo na ko at hinila siya.

"Nakailan ka na bang shot Red?"

"Hm,konti pa lang,saka ano ka ba,mataas kaya ang alcohol tolerance ko,sama ka James,Ken,tara sayaw tayo!"

"Sige tara."

-James.

"Maya na ko.-Ken

Hinila ko na si Karl palabas ng VIP room para sumayaw sa dance floor.

Forever and AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon