24

11 0 0
                                    

Chapter 24

TDG

****

Karl's POV

"Tara na?Wala ka bang naiwan?"

I asked Red,we're now in my car,bihira lang naman kasing dalahin ni Red yung kotse niya kasi lagi naman kaming sabay.Kapag naman dinala niya,madalas ako din ang driver kasi as much as posible ayokong mag drive siya takot akong may mangyaring masama sakanya.

"Ay!Naiwan ko pala yung guitar ko,may practice nga pala kami mamaya sa music room.Kunin ko lang ha,wait lang."

Bumaba siya at pumasok ulit sa bahay,napakamakakalimutin talaga nun.I heard her phone beeped.

Kinuha ko 'to sa bag niya.We have the same phone unit and we used to share and even exchange phones so no worries kung basahin at pakialaman ko 'to,ganun naman din siya sa phone ko.

From TDG :)

Who's TDG?

I read the message.

*Good morning beautiful!

How was your sleep?Did you like the teddy bear that I gave you last night?Sana oo,ang cute kasi nun parang ikaw kaya biniliko,anyway,have a good day!See ya around.*

Teddy bear?Wala namang dala si Red kagabi maliban sa isang paper bag na sabi niya binili nya daw.Saka sino 'tong TDG na ito?!Pamilyar ako sa lahat ng contacts niya and I know bago lang ito dito.

Nakita kong papalabas na ng gate si Red,nataranta ko kaya naman agad kong binura yung text,ewan ko ba hindi naman ako nagkakaganito dati,okay lang naman samin kung basahin man namin yung mga text kaso kinabahan ako sa isang 'to.

"Tara na?"

"Yeah,phone mo."

Inabot ko na yung phone niya.

"May nag text ba?"

"Nope,wala naman may tiningnan lang ako,let's go."

"Okay."

Nakarating kami sa school ng si Red lang halos ang nag sasalita,iniisip ko pa rin kasi yung text message kanina.

Eto pa isa,kay Sir Jeff nga pala first subject namin.Remember yung sinabi kong prof na may gusto kay Red.Pero atleast ito hindi naman mukhang manyak atsaka wala din siyang ginagawang moves maliban sa pasimpleng mga sulyap kay Red unlike dun sa De Guzman na yun na may padala dala pa ng flowers.

"Good morning class!Ready for today?"

"Yes sir!"

Sagot nung mga classmates ko,mostly girls malakas din makahatak ng pansin 'tong mokong na ito.

"Sir,wait po girlfriend ninyo po ba yung kasama ninyo sa mall?Nakita ko po kasi kayo last Sunday."

Tss,tsismosang classmate ko yun.

"Haha,personal life ko na yata yun Ms.Sanchez."

"Aww,sir sabihin mo na po,please."

"Oo nga sir!"

Humirit pa yung mga girls pero syempre hindi kasama si Red dum.

"Oh sige girls,for your peace of mind hindi ko yun girlfriend,kaibigan ko lang yun."

"Waaah,buti na lang!"

"Yes!Single pa si Sir."

OA naman na mga babae 'to.

"Atsaka kasi may iba na kong gusto,yun nga lang hindi pa kami pwede sa ngayon,haha."

Ako lang ba 'to o nakatingin talaga siya kay Red?

"Ay!sino sir?Bakit hindi pa pwede?Kilala ba namin?"

-girl classmate

"Haha,kilala?Hmm."

Tatango tango siya na parang nag-iisip

Damn,he's really looking here.

Kay Red talaga siya nakatingin.

Nag smile pa siya.

Do something Karl!Shit!

"Baby,look at me."

I said then I use my thumb to turn Red's face to mine.

"Why Karl?"

I give her a quick kiss in the lips,she blushed.

"Karl naman!Nasa room tayo."

"Busy sila,wala naman nakakita."

Nasa likod naman kasi kami nakaupo.

"Kahit na,ikaw talaga!"

"Enough class.Let's start our lesson."

Haha I'm sure nakita niya yun.Biglang nag seryoso ang mokong.

"And Mr.Lim,kissing during class is a violation,do it again and I'll sue you to the dicipline's office."

See?All eyes samin.Si Red lang naman ang katabi ko kaya malamang alam nila kung sino ang hinalikan ko.

And Red is literally red haha.

"Sorry Sir,ang ganda kasi nitong mahal ko,hindi ko natiis.

Your so cute baby"

Sabay pisil ng pisngi ni Red.

"Karl,tama na.Sir sorry po,sorry talaga."

Nakayukong sabi ni Red.

"Yun oh,lips to lips!Tindi mo Karl!"

-boy classmate

"Nakakainggit si Red,sobrang mahal talaga siya ni Karl."

-girl classmate2

"Enough!Enough,let's proceed."

Asar na sabi ni sir,kaya naman nagsitigil na sila.

Haha.

You're so smart Karl.

Sucess!

Forever and AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon