Chapter 22 {Let it All Out}

17 1 0
                                    

{Krishna}

Sumakay na ako kay Eon pero para akong statua na naka-upo lang dun kahit hawak ko na yung manibela.

What have I done?

Da hell? Bakit ako mahihiya? Me? One of Rosemere's cassanovas nahiya? I've kissed a lot of guys (sa cheeks lang po. Kahit cassanova na ako I ain't a slut) kaya dapat sanay na ako. Pero bakit ganun? My feelings... My stomach has butterflies... My head is in the clouds... A simple kiss did this? What the hell is wrong with me? Oo masaya ako na nakita ko ule si Anton and I like him too. Pero bakit ganito?

"Uuuuurgh! Keep it together Krishna!" I screamed at myself sabay sapak sa mukha ko. Wala rin namang makakakita sa akin eh. I took a deep breath, nag-powder at nag re-touch na rin saglit at nag-drive na papuntang Mall.

 Padating ko dun, pumunta na ako agad sa boutique. At nandun na nga si Kuya, nagdodrawing  na ata...

"At bakit ang tagal mo?" He said, his pen ticking against the glass table na workplace ni Mommy dito.

"Ah eh, may ginawa lang kami saglit sa school Kuya. Sorry." I smiled apologetically. He frowned at me then sighed.

“Kung hindi kita kapatid hindi talaga kita pagbibigyan. Tara na nga!” At hinila na niya ako palabas ng office ni Mommy and we began to stroll around na hila-hila pa rin ni Kuya Cid. I was surprised nang hilain niya ako paloob ng Bench.

“Aba Kuya? Anyare? Akala ko ba hindi ka mahilig mamili ng mga damit mo?” Pang-asar ko sa kanya.

“Leara, hindi na ngayon. Aba ang gwapo ng puhunan ko bakit hindi ko pa gamitin di ba?” Sabay ngiti sa akin ng nakakaloko. Tsk.

“Ang fifi mo Kuya! Hindi ka naman gwapo! Bleh!”

“Hindi pala ah. Sige kkb tayo ng pagkain mamayang meryenda.” Sabay talikod at nagsimula nanaman siyang magkalkal ng mga polo. Niyakap ko naman siya mula sa likod.

“Hindi mo ko makukuha sa ganyan ganyan lang Leara.” Tuloy pa rin siya sa pagkakalkal. Hahalikan ko na sana siya sa pisngi nang pigilan niya ako. Ule.

“LEARA!”

“Ahehehehe!”

“Cidrell?” May biglang nagtawag kay Kuya. Paglingon naming dalawa, isang babae yung nagtawag sa kanya. Maganda. May katangkaran. Parang model ang dating…

“Mia!”

“I knew it was you.” Sabi naman nung babae kay Kuya sabay beso. Hmp, sino naman daw to? I cleared my throat para naman hindi ako maiwan sa ere.

“Ah! Mia, this is Krishna Leara, kapatid ko. Leara, this is Mia, one of my Filipino friend nung nandun akong US.” Pagpapakilala naman ni Kuya sa amin.

“Pleasure to meet you, Ate.” I said with a sweet smile. Kahit sa loob loob ko ayokong i-share si Kuya. Charot!

“The pleasure is all mine, Krishna.” Ngumiti naman ito pabalik sa akin. Infernes maganda si Ate Mia.

“Akala ko ba hindi ka pa uuwi?” Atat na tanong ni Kuya. Juice colored. Halatang halata na may gusto to kay Ate eh xD

“Eh, tapos naman na ang exams ko. Tyaka pina-uwi na rin ako ni Daddy kaya eto, nagliliwaliw.” Sagot naman niya.

“Oh, Leara, nagtapos siya ng Fashion Designing. Magaling yan! Kaya rin ako nahilig pumorma kase kung minsan pinagtitripan niya ako eh.” Nanlaki ang mata ko sa narinig ko.

“Talaga Ate?” Para akong batang naka-rinig ng ice cream eh. Nakakahiya. Natawa pa tuloy si Ate. Tumango naman siya.

“Yup! Balita ko, designer din daw ang Mommy niyo. Pinuntahan ko rin kanina yung boutique and wow, the designs were wonderful! Napabili pa nga ako ng de oras eh.” Sabay pakita nung paperbag. Tuwang tuwa naman ako. Ate Mia is different from any girls na pinakilala ni Kuya Cid sa amin. Parang ang gaan ng loob ko sa kanya. Hindi ko napigilan ang mga mischievous thoughts sa utak ko at lumapit ako kay Kuya at siniko siya sa tagiliran.

Not your Average Cassanovas (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon