Kiss II

117 9 1
                                    

***KISS II***

2nd Week na ng klase to be exact Monday ngayon. Nung saturday wala naman akong ginawa kundi ang magkulong sa kwarto at magbasa nung sunday naman nagsimba ako sa church namin. Nakita ko pa nga si Joshua eh kasama yung lola nya. Nasa harapan sila naka-upo. Kinilig ako ng konti kasi ang gwapo nya sa navy blue na polo nya.

At gaya nga ng sinabi ko Monday ngayon  at imbis na magklase kami naka-upo ako ngayon sa SDPC kasama si Lear at Patrick para gumawa ng bagong COE YELL para sa RECOLETO JAM  o PAKIGHIMAMAT.  Every year kasi dito sa USJR winewelcome nila ang mga first year lahat ng first year coming from different colleges eh magsasama- sama sa coli. Dun icecelebrate ang pagdating ng mga first year. And every colleges will present a song or a yell. At dahil isa akong Peer facilitator naatasan akong magcompose ng song pasalamat nga ako at tinulungan ako ni Lear at Patrick. Ang totoo nyan nung summer pa kami nag cocompose ng song ni Patrick may mga nagawa na kami ang kaso kailangan daw iksian kaya eto kami namomoblema.

   Mukhang may banda sa baba ah, ano baba tayo?" pag aaya ni Pat.

May banda naman talaga sa baba. Ewan ko lang kung anong acivity at may banda.?

   kayo nalang nakakapagod bumaba eh. At ang init sa baba. Walang aircon" reklamo ko.

Kahit namang anong reklamo ko talo pa din ako sa dalawang to. Kaya kahit mabigat sa loob ko bumaba na din ako. At tama nga ako ang init dito pero may dalawang giant electricfan na sa bawat corner andito sa lobby iniheld kung ano mang meron ngayon. Sarado nga ang library eh.

Pinalinya naman kami para daw sa libreng ice cream. Pagkakuha namin ng ice cream umupo kami sa pinakalikod. Natawa pa nga ako ng makitang ko nanonood yung iba ng furious 6 gamit yung projector. Tas sa gilid namin medyo nasa harap namin eh may live band. Ang tanga lang talaga paano kaya nila nadidinig yung sinasabi kung yung sound ng band eh dominant.

Tumutugtog lang yung banda ng kahit ano. Katabi ko si Lear na nakikinig sa banda. Si Patrick ewan kung asan na yun.

Ang galing na vocalist ng banda. Ang smooth ng boses. Luminga Linga ako para hanapin si patrick, biglang tumugtong ang isa sa mga paborito kong kanta.

dont know what to do ..
dont know what to say...
my heart is floating with tears
when you pass by I could fly...

Saktong pagtugtog ng chorus eh napansin ko yung lalakeng naka-upo katabi nung guitarist naka white shirt sya tapos naka shades. Mukhang kaibigan nya yung banda. Nung chorus nakikisabay sya sa kanta. Yung feeling na huminto ang lahat tapos biglang lumiwanag yung side nya na para bang sya lang yung tao dun. Yan yung naramadaman ko nung mas tinitigan ko pa sya.

Nagulat ako, agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya napansin ko kasing tumingin sya sa direction ko, kahit naka shades sya halata naman kasing sa direksyon ko sya nakatingin mag ka align lang kasi kami nasa kabilang dulo lang sya o baka assuming lang talaga ako. Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko sya sa gilid ko. Tumayo lang sya dun ng ilang minuto, bigla naman akong kinublit ni Lear.

   Bro ang gwapoo nya! yung nasa likod mo" Kahit alam ko naman na sya yung tinutukoy ni Lear tiningnan ko parin. Saglit pa kaming nagkatinginan. Naging abnormal naman ulit ang takbo ng puso ko.

Nagpipigil ako ng kilig na tumingin kay Lear Paano ba naman kasi. Ang sarap ng sumigaw sa kilig. Sobrang gwapo kasi nya. Kinurot pa nga ako ni Lear at sinabihang anlandi ko daw. Tinawanan ko naman sya.

Exactly 3:00 pm eh nag end na ang activity. Nakasakay na ako at lahat, pero yung ngiti ko di pa din natatanggal. May bagong nadagdag sa crush list ko.

Napansin ko naman ang pag vibrate ng phone ko. Si Lear pala ang nag text.

From: Bro-Lear
            Oh ano may bago na tayong target?

Natawa naman ako sa text ni Lear. Nagreply lang ako sa kanya na ihanda na nya ang mga gamit sa pag iimbistiga kay cloud.

From: Bro-Lear
           Anong cloud? sinong cloud bro? panong naging cloud?

Natawa pa ako sa text ni Lear. Kaya bahagya napatingin yung katabi ko sa akin

To: Bro-Lear
       Cloud kasi kasing ganda at aliwalas nya ang cloud. Tsaka sya ang Cloud ko ako naman ang sky nya :)

Kinikilig kong sinend ang text ko kay Lear. Madami kaming napag kwentuhan hanggat sa na expire nalang ang load ko.

Pagdating ko sa bahay tinungo ko agad ang kwarto ko at hinanap yung diary calendar ko. Kailangan mai record ko ang nagyari ngayon.

July 09, 2014
        I met someone. I  call him cloud.

--

end of chapter 2 :))

Kismet(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon