Kiss V

27 0 0
                                    

***KISS V***

KIM's POV

Monday na naman ibig sabihin niyan eh klase na naman. Aaminin ko tinatamad na naman ako. Pero dahil malapit na ang Pakighimamat kailangan kong labanan ang katamaran ko.

Lumabas agad ako sa kwarto ko pagtapos kong magligpit ng higaan at tumungo na ako sa CR. Paglabas ko napansin kong wala pang tao sa sala. Usually pag ganitong oras na nagluluto na si mama. Bago ako maligo pumunta muna ako sa kwarto nila mama. Pagtingin ko natutulog pa si mama at papa pati na din cila Jinan at kuya si Haru naman eh tulog pa din.

Naghanda nalang muna ako ng pagkain. Nagluto lang ako ng hotdog at itlog pagtapos nag saing na din ako. Pagkaluto nung sinaing ko eh naligo na ako.

Hndi naman ako katagalan maligo. Nagbihis na ako at inihanda ang mga gamit ko. Di ko nalang gigisingin sila mama tutal binigyan na naman kami ng baon ni papa kagabi.

Pagkalabas ko ng bahay nakita ko sila Siena at Hayi kapitbahay namin at kaklase din sila ni Jinan.

Hi ate Kim" bati nilang dalawa sa akin at nagsabay na kami palabas ng village ng biglang may tumawag kay Siena.

Hoy intayin mo ko Siena" boses pa lang alam ko na kung sino yun. Gusto ko mang umalis pero parang ang rude naman ng dating kung iiwan ko sila tsaka bat ako aalis pakealam ko ba sa kanya.

Oh kuya. Sasabay ka sa amin? Ah kasama pala namin si ate Kim" hindi ko alam kung ano ang expression ng mukha niya at wala din akong pake.

Naglakad nalang kami at hinila ko nadin si Hayi.

o musta na kayo ng ex mo?" Inaasar kong tanong kay Hayi.

Ate Kim naman eh. Next topic nalang umiinit ang ulo ko basta siya pinag-uusapan" tumawa nalang ako at tinapik siya sa balikat. Hindi ko alam kung bakit naghiwalay sila ang cute pa naman nilang dalawa.

Pero ate tanong lang diba naging kayo ni kuya Jc?" Ewan ko kung anong ekspresyon ng mukha ang pinakita ko sa kanya at bigla nalang siyang tumawa ng malakas.

Ang alam ko walang nakakaalam na naging kami. Tsala hindi counted yun. 2 daya lang naman yun.

Oy ano nangyari?" Tanong naman netong si Siena

Eto kasi so ate Kim tinanong kung nag--"

Wala tinanong niya sino daw crush ko. Eh sinabi kong si Hans kaya ayun humagalpak siya ng tawa" dugtong ko sa sasabihin ni Hayi inasar asar pa nga niya ako eh. Si Siena naman biglang natawa ng malakas yung isa naming kasama hindi ko alam kung anong ginagawa niya.

Nag abang lang kami ng ilang minuto para makasakay ng Jeep. Kung tutuusin dapat naglalakad nalang si Hayi at Siena malapit lang naman kasi ang school nila kaya lang pinilit ko si Hayi na sumakay nalang sila ang akward naman kung kami lang dalawa. Wala din akong balak na makipag chikahan sa kanya no.

Nung may nakita kaming Jeep na walang laman. Mukhang kakabyahe palang. Agad kaming sumakay syempre ako yung nasa may pintuan habang si Hayi katabi ko at nasa harapan ko naman si ehem.

Nag kwentuhan lang sila Hayi at Siena nung bumaba na sila nagulat ako nung biglang sumakay si Joshua half of me kinikilig yung half naman eh natutuwa ako dahil may makakausap na din ako tsaka para hindi ko mabalingan tong lalakeng to.

Kim ang aga mo ata ngayon himala" ngumiti naman ako sa kanya.

Masipag kaya ako" sagot ko kay Joshua

Ngumiti siya sa akin. Ang cute niya talaga.

Oh JC!" Napatingin agad ako sa kanya. Pero agad ko ding binawi ang tingin ko. Hindi naman kasi siya ka rapat dapat tingnan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kismet(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon