Kiss IV

80 2 0
                                    

***KISS IV***

Saturday ngayon at kapag saturday kailangan kong pumunta sa bukid. Kaugalian kasi sa amin na kapag saturday doon kami natutulog sa bukirin namin. Para mag-alaga at mag bantay ng mga alaga naming hayop. Tsaka maganda din naman yun para makapag relax kami galing sa nakakastress na buhay bilang estudyante. Masarap kasi at sariwa ang hangin sa bukid.

Sa buong araw ko wala lang akong ginawa kundi ang matulog-kumain-at magbantay ng mga hayop. Sobrang relaxing. Nung sunday naman ng umaga kinuha na ako ni papa sabay kasi kaming magsisimba mamaya.

Una akong bumaba ng motor may bibilihin pa kasi si papa. Kaya di na nya ako mapapasok pa. Kumakanta ako habang naglalakad. Feel na feel ko pa ang moment eh.

Gueroke neumo pyonghage guljimayo oh.. oh.. Ajik sijakdo an haessunika...

Kinakanta ko yung Missing You ng 2NE1 mahilig kasi ako sa korean songs.

Kim!!!!" Napalingon ako sa pagkagulat ng makadinig ako ng sigaw. Pero paglingon ko nagsisi ako. Sana pala hindi na ako lumingon.

Bitaw na!!!!" Utos ko sa kanya nakahawak kasi sya sa balikat ko. Muntik na kasi akong mahulog sa kanal sa pagmamadali kong maglakad.

Ah oo" Mahinahon nyang tugon.

Umalis ako agad pagkabitaw nya. Ni hindi ako nagpasalamat sa kanya. Nadinig ko pa nga ang mga sinabi ng mga barkada nya.

Ay ang sungit ni Mrs. Torres" Mas lalo akong naismid. Pwee kahit kailan ayaw kong makuha ang apilyedo nya noh. Kadiri.

Binilisan ko lang ang lakad ko para agad makapunta sa amin.

Jay Cy Torres Perspective

Napabuntong hininga nalang ako ng makita kong mabigat ang mga lakad ni Kim panigurado nainis na naman yun sa akin . Kahit talaga kailan ang sungit ng babaeng yun. Dati naman hindi sya ganyan sa akin.

Oy pre paano ba yan mukhang malabo na ang love story nyong dalawa ah"

Sinamaan ko naman ng tingin si Arjun. Tss ang plastik ng lalakeng to. Alam ko namang sya ang dahilan kung bakit kami nagkaganito.

Hala sige pre hanap kana lang ng iba. Mukhang ang lalim ng galit sayo ni Kim eh." Natatwang advice sakin ni Erwin

Tiningnan ko lang sila. Naalala ko tuloy yung mga panahon na close pa kami hanggang sa nga panahon na nagtapat na ako sa kanya.

Flashback***

Woi sigurado kayo dito? eh paano kung --" Pinutol agad ni Mariz ang dapat kung sasabihin.

Tiningnan lang nila ako na parang sobbrang torpe ko at kahiya- hiya ako.

Woy Cy wag kang totorpe- torpe diyan kaya nga-nga yang love story nyo eh !! Walang friendzone kung natatry ka lang ulol!" Kahit kailan talaga etong si Mariz napaka taklesang magsalita. Loka loka talaga kahit kailan.

Kinakabahan ako habang nag-iintay sa likod ng bahay nila Kim. Pakulo naman kasi ng mga toh. Kapag talaga si Kim nagalit sa akin ewan ko nalang kung anong gagawin sa mga toh.

Woy Mariz.. Win2.. Jay???" Mas lalo akong kinabahan ng nagkaharap na kami. Umungot ata dila ko. Na blanko utak ko.

Jay? Ok ka lang?" Tumango lang ako. Hindi ako ganito. Ako yung tipo ng tao na sobrang competent sa kahit anong bagay. Pero pagdating kay Kim umaatras lahat ng confidence sa katawan ko.

Kismet(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon