Episode 39

898 33 2
                                    


Kulang-kulang kalahating oras din ako'ng nagpalakad-lakad sa loob ng kagubatan. Wala na ako'ng makitang bagay na ma-aaring iniwan ni Francine bilang pala-tandaan kung saan sila dumaan.


Nagpalakad-lakad lang ako hanggang sa matanaw ko ang isang kubo na gawa sa kawayan at nipa sa di kalayuan.


Bigla nalang ako nakaramdam ng kaba habang tahimik at patago ako'ng naglalakad papunta dun.


Ng makarating ay nagtago ako sa likod ng isa sa mga Puno sa paligid at nagmatyag. Walang pintuan ang Kubo at may usok na lumalabas mula sa bintana sa kanang bahagi nito.


Tahimik din ang buong lugar at ang tanging maririnig mo lamang ay ang huni at tunog ng mga insekto sa paligid.


Bigla ako'ng napayuko ng makita ko na lumabas ang Ginang na dumukot kay Francine mula sa madilim na loob ng kubo. Meron siyang hila-hila na puting sako at itinabi nya yun sa dalawa pang sako na nasa labas.


Matapos nun ay kumuha sya ng matulis na kawayan na halos mas mataas pa sa kanya ang haba, at itinarak nya yun sa lupa ng maraming beses na para bang naghuhukay.


Sa tingin ko ay magiging abala siya sa ginagawa nya, eto na ang pagkakataon ko. Pero ano na ang gagawin ko?, oo takot ako pero ang kagustuhan ko na maligtas si Francine ang nagbibigay sa akin ng tapang para magpatuloy.


Muli ay naglakad ako sa paligid, at nagtungo sa kabilang bahagi ng Kubo, kung saa'y meron pa'ng isang pinto.


Dahan-dahan ako lumapit sa nasabing pinto, at bahagyang sinilip ang loob.


Mukha lang siyang maliit mula sa labas pero napakalawak nito sa loob.


Sa aking pag-silip ay nakita ko agad sa kaliwang bahagi ang isang kawali na nakapatong sa bato na may mga nagbabagang uling, at sa tingin ko dito rin nang-gagaling ang usok na nakita ko kanina, at sa tingin ko rin sa kaliwang bahagi din ang daan papunta sa kabilang bahagi ng bahay, sa kanang bahagi naman ay mayroong papag at sa ibabaw nito ay noroon ang manika ni Fracine.


Andito ang manika nya pero asan na si Fracine?.


Sa gitna ay may pintuang kurtina, malamang ay naroon sya.


Pumikit ako at nag-ipun ng lakas ng loob para pasukin ang bahay. Dinig ko padin ang pagtarak nya ng kawayan sa lupa , malamang ay abala padin siya dun.


ISA, DALAWA, TATLO!


pumasok ako sa loob ng bahay , at agad ko hinawi ang pintuang kurtina, at bumungad sa akin ang madilim na kwarto na punung-puno ng mga nakatirik na kandila at sa gitna nito ay naroon si Francine na nakatali ang mga kamay at paa, sa ibabaw ng lamesa, at nakabusal ang bibig.


"Francine!", mahinang pagkakasabi ko habang pilit na tinatanggal ang lubid na nakatali sa 

kanyang pulso.

"Hmmm!, hmmmm!", sabi nya at tinanggal ko ang busal sa kanyang bibig.


Sa aking pag-tanggal ay napasigaw siya ng..


"Tulong!", pero agad ko'ng tinakpan ang bunganga nya.


Pinakiramdaman ko ang paligid, hindi ko na madinig ang pagtarak nya ng kawayan sa lupa at napalitan yun ng ingay ng mabigat na hakbang ng paa sa marupok na sahig na gawa sa kawayan.

Ghost Club: Chapter 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon