Tiningnan ko muli ang paligid dahil siguradong ma mi-miss ko ang lugar na ito dahil babalik na ako sa lugar kung saan talaga dapat sya manatili,nandito lang naman ako dahil binigyan ako ng ama ng misyon dito,sa naisip ay agad akong napasimangot pero agad ko yung inalis sa isipan ko at muling inalala ang pag-uusap namin kanina ng kapatid ko.
*FLASHBACK*
"Wag ka ng bumalik doon thalia,manatili ka nalang dito." sabi ng kapatid nya si javier.ngumiti ako ng pilit dito.
"kuya... alam mo naman na kailangan kung bumalik dahil kay ama at ina.isa pa hindi ako pwede manatili dito kasi hindi ko ito mundo." ako
lumungkot ang mukha nito dahil sa desisyon nya.
"thalia.... tingnan mo ako ngayon.. nandito ako and pretending all the time sa lahat ng taong nakakasalamuha ko maliban sa pamilya ko."
"kalahati ka lang naman kuya.ako iba ako.nandun ang pamilya ko.. and i promise to you na bibisitahin kita.." ako
tumango nalamang ito ng mapansin nito na hindi na magbabago ang gusto nya.
*END OF FLASHBACK*
Urong sulong ako naglakad sa pag-pasok sa malaking gate.nag dadalawang isip akong pumasok pero sa huli ay pumasok parin ako.at sa di kalayuan ay nakita ko ang malaking mala palasyong bahay,pumunta ako dun at nakita ko ang anim na gaurd na nagbabantay sa elavator.tumitig ito sa akin at alam kung inaamoy-amoy sya nito pero agad itong napatindig ng maamoy nito ang dugong bughaw ko dahil anak ako ng hari at reyna ng mga bampira.
naglakad ako patungo dun at bumukas naman ang elavator at walang alinlangan na pumason dun at maya-maya lang ay umandar ito pababa.ilang minuto muna ang nagdaan bago tumigil ang elavator at bumukas yun.nakita ko ang sampo na nagbabantay sa gilid,tumingin ito sa akin at agad nag si oko.
nagpatuloy ako sa paglakad at dumiritso palabas.tumambad sa akin ang maraming bampira,para ring mundo ito ng tao ang lugar maliban lang sa nagliliwanag na kalangitan sa itaas,mga damo,tubig at halaman dahil hindi ito totoo,pero para naring totoo pag hindi mo alam na pinapagana lang yun ng cumputer.dahil wala naman talagang tubig dito at kalangitan dahil ang lugar na ito ay nasa ilalim mundo ng mga tao.
lugar ito ng mga bampira na kailan man ay walang sisikat na araw.
"senorita thalia pasok na po kayo.." magalang na sabi ng katiwala ng kanyang ama.
napatigil sa pag oobserba sa paligid ng may tumawag sa pangalan ko at hindi ko man lang namalayan na matagal na itong naroon napailing nalang sya
binuksan nito ang pinto ng kotse na nagpapahiwatig na pumasok pero hindi ako pumasok sa halip ay nilagpasan ko yun at pumunta sa harden,maraming ibat iang kulay na bulaklak at nasasamyo ang bango nito.hinawakan ko ang isang bulaklak at pinutol ito at sinamyo pero mayamaya lang ay unti-unti itong naging abo.napasimangot ako ito ang pagkakaiba sa halaman ng mga tao dahil ang halaman dito ay pag pinotol mo ay agad na maging abo pero sa mga tao ay dadarating pa muna ang maraming araw bago malanta ang bulaklak.
BINABASA MO ANG
MS.ICE AND MR.HOT
RomanceBabaeng sobrang lamig kung makitungo sa iba Lalaking madaling mainit ang ulo kaya madali maka kita nang away She don't have a friend because she dont want to He so friendly when it comes to girls,that's why many girls adore him she hate attention ...