Chapter 10

8 1 0
                                    

Elle's POV.

Nauna na akong umuwi sa amin at ngayon nasa bahay na ako kaharap si Mr. Alcantara. Sinermonan na naman ako na para bang ngayon lang ako inuwi ng gabi. Kwentuhan ng kwentuhan kasi kami ron sa bahay nila Cindy kaya hindi ko namalayan na 11:20 pm na pala. Hinatid ko pa si Taehyung sa kanila.

"Zaimee! Tigas talaga ng ulo mo! Inuwi ka na nang gabi! Mabuti pa ang Ate Jaimee mo!" Sigaw pa niya. Tinignan ko naman siya sa mata kaya kinagugulat niya yun. Kung makapagsabi talaga akala mo perpekto.

"Ngayon lang ba talaga ako inuwi ng gabi, Mr. Alcantara?" Walang emosyong sagot ko. Kaya ayun galit na galit talaga. Nasa tabi naman niya si Mommy habang katabi ko naman si Ate Ella. Wala na akong pakialam kung ang tingin na talaga nila sa akin ay Malas, walang respeto at kung ano ano pa. Dahil noon pa akong walang respeto at malas sa bahay na ito.

"Umalis ka sa harapan ko, Zaimee! Bago pa talaga ako magalit sa iyo ng todo. Malas!" Ngumisi lang ako sa kaniya na para bang hindi ako natatakot.

"Wala ka talagang respeto kang bata ka! Hindi kita pinalaki nang ganyan!Malas!" Haha, joke niya ba yun? Nakakatawa.

"Hmm, talaga ba. Mr. Alcantara?" Nakangising tanong ko.

"Kanino ka ba nagmana kang Malas ka! Ang kapal ng mukha mo na sasagutin mo ako! Wala ka talagang respeto kang Malas ka!" Hmm, okay.

"Kanino kaya ako nagmana no?" Tumayo naman ako para pumunta na lang sa kwarto ko. Pero bigla nalang akong tinwag, tangna sabi niya umalis na ako? Tanga lang or nagtangatangahan?

"Ano naman yun,Mr Alcantara?" Sagot ko. Hindi ko talaga sila tawaging Daddy or Mommy kapag nasa harapan ko na sila. Mukha kasing hindi ko sila tunay na magulang. Wew, adopted kaya ako?

"Tandaan mo! May atraso ka pa sa akin! Ikaw lang talaga ang sagabal dito sa Pamilyang Alcantara! Sana hindi na lang kita naging anak!" Wow, grabe. Amazing yun ha! Kung nagtatanong kayo kung nasasaktan ba ako? Oo kadalasan pero ngayon, Sanay na ako ron no.

"Pinangarap ko rin bang maging Ama kita?" Sarkastikong tanong ko kaya lahat sila ay gulat na ngayon.

"Saka ano nga ba ang ginawa ko para maging sagabal dito sa Pamilyang Alcantara?" Tanong ko pa. Pumunta na lang ako sa kwarto ko at kumain na lang. Hays, nakakagaan talaga sa pakiramdam itong pagkain. Pagkatapis kung kumain, naligo naman ako saka nagbihis para matulog na.

Nagising na lang ng bigla kong narinig ang mga huni ng mga ibon. Kaya pumunta na lang ako sa CR para maligo dahil may klase pa kami mamaya. Naalala ko naman yung kahapon, napakasweet ni Taehyung grabe! Nakakatawa pa talaga kahapon si Nicole dahil nga mukha niyang pinilit si Jericho na jowain siya. May pa 'Single but ready to mingle' pa talaga ang Madaldal Queen. Pagkatapos kung maligo, agad akong nagbihis ng uniform saka kumain na. Agad din akong nag toothbrush at nag-ayos. Pagkatapos kung mag-ready, bumaba na ako at lumabas ng bahay. Pumunta naman ako sa Parking lot at sumakay nalang sa motor ko at pinaharurot yun ng napakabilis.

Masyado pang maaga kaya pagkarating ko sa Campus ay wala pang gaanong Tao kaya pumunta na lang ako sa Room.

"Hays, kaunti lang ang mga tao?" Bulong ko na lang sa sarili. Masyado ata akong napabilis kaya ayun maaga pa talaga.Nagulat na lang ako ng may tumakip ng mata ko kaya nilingon ko yun. Si Jimin! Sayang wala siya kahapon.

"Good morning, Zaimelle!" Masayang bati niya. Nagulat na lang ako ng may kasama pala siyang babae, grabe talaga si Jimin. Nung isang araw, may iba na naman siyang kasama ngayon? Nako~Nako~Nako.

"Good morning Jimin. Sino na naman yang babaeng yan?" Bulong na tanong ko sa kaniya. Tinignan pa niya ang kaniyang babae saka siya tumingin sa akin.

MY CAMPUS TIBOWhere stories live. Discover now