Chapter 5

8 1 0
                                    

Napatulala nalang ako kay Jericho ngayon. Grabe na miss ko siya. Pumogi siya ng sobra.Matagal ko na siyang hinintay simula nung umalis siya kasama ang Parents niya papuntang States.Siya rin ang tumulong sa akin noong 9 years old pa lang ako habang siya ay 10 years old nung mga panahong down na down na ako dahil sa mga sinabi sa akin ng mga Parents ko. Matagal na rin niyang alam na Tibo ako at tanggap niya naman. Ilang years ko na siyang hinintay, pero ngayon nasa harapan ko na siya ngayon. Parang umurong ang dila ko at gusto ko na siyang yakapin.

"Ano na, Zai?" Natatawang tanong niya. Ganon pa rin ang tawag niya sa akin.

"Choy, ikaw ba talaga yan?" Hindi talaga ako makapaniwala.

"Oo, ako to Zai"Nakangiting sagot niya. Tangna, ano nalang ang gagawin ko rito?.

" Hehehe" Nahihiya ako sa kaniya. Naku!!! Maryusep.

"Magkita na lang tayo sa Park bukas, Zai"

"Okay, sige" Tipid kung sagot.

"See you around." Lumabas na ako sa washing area. Nakita ko naman si Taehyung na nagtatakang tumingin sa akin.

"Ba't ang tagal mo?" Reklamnong tanong niya habang paupo pa lang ako sa upuan ko. Tae talaga.

"Pake mo" Naghahari pa muna ang katahimikan sa pagitan namin bago siya nagsasalita ulit.

"Sino yung lalaking kausap mo?" Seryosong tanong niya na agad nagpapagulat sa akin. Paano niya nalaman? Pati ba naman yun, nakita niya? Tsk.

"P-paano mo nalaman?" Nauutal na tanong ko. Napakaseryoso niya kasi ngayon.

"Nakita ko, malamang" Tangina naman oh. Pero nakakatakot talaga ang tingin niya ngayon. Napakaseryoso.

"Hindi yan, paano mo nakita?" Napasinghal pa muna siya bago sumagot.

"Pinuntahan ko kasi kita, at nung makita kita nang may kausap na LALAKI" Pagdidiin niya pa. "Hindi nalang kita pinuntahan dahil alam kung ENJOY na ENJOY ka na kausap siya" Hays, ano namang paki nitong lalaking to?

"Teka, ikwento ko nalang sayo"

"Okay sige" Parang batang sagot niya.

"Siya si Jericho Tan" Napangiwi pa siya sandali.

"Yun? Pangit naman nun, mas gwapo pa ako ron" Pahina nang pahina ang boses niya pero naririnig ko pa rin.

"Kaibigan ko na siya noon, pero umalis siya"

"Tsk, tignan mo iniwan ka. Mabuti pa ako. Kapag maging kaibigan mo ako, hindi talaga kita iiwan" Hays.

"Hindi, umalis kasi siya dahil sinama siya sa mga parents niya sa States" Tumango na lang siya.

"Siya rin ang tumatayong kuya ko. Kapag may problema ako, sa kaniya ko lang talaga ipagsabi. Oo alam kung pwede rin naman so Ate Jaimee, pero palagi kasi siyang kasama nila Daddy kaya nawawalan nalang siya nang oras sa akin."

"Siya ang tumatayong kuya mo? Pwede naman akong tumayong boyfriend mo" Nagulat nalanga ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata.

"Ano?" Kahit na alam ko na.

"Wala" Palusot niya.

"Ahmm, pwede mo ba akong samahan bukas magsimba?" Tumango naman ako bilang sagot saka siya ngumiti.

"Yieee!" Animong kinilig talaga.

Kim Taehyung's POV.

(A/N: Maiksi lang po ang POV. ni Taehyung. Yiee, Continue.)

Hindi ko maiintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Nagkahalo-halong selos, galit at kilig. Selos dahil sa sinabi niya tungkol dun sa Jericho na yun. Galit dahil kung makapagsalita siya, mukhang kinikilig. Kilig dahil sumama siya sa akin na magsimba.Tangna, hindi naman ako ganito eh. May malaking eyeglasses sa mata, parating nakatali ang buhok, at parating nakasuot ng Malalaking T-shirt at pantalon, yan si Zaimee. Pero ngayong Zaimee na nakita ko ngayon. Napaka GANDA! Inaakit talaga ako. Iba siya kela Taeni, Jaimee, Cindy, Taeri at kay Nicole. Iba ang taglay niyang kagandahan, pati sila Namjoon hyung, Jin hyung, Yoongi hyung, Hoseok hyung, Jimin hyung at Jungkook ay mukhang naakit din sa taglay niyang kagandahan.Hinatid ko na siya sa bahay niya dahil nasa condo ko ang motor niya. Kahit natutulog siya ngayon, lumilitaw pa rin ang kagandahan niya. Kahit naman naka eyeglasses siya ay maganda pa rin. Yan ang gusto ko sa kaniya kahit simple lang siya ay lumilitaw pa rin ang kagandahang taglay niya. Hays, sana hindi ka na lang Tibo, Elle.

MY CAMPUS TIBOWhere stories live. Discover now