Chapter 6: Beatrice

115 3 0
                                    

"Kinakabahan ako, Mama Jen. Parang hindi na ako marunong umarte." bulong ko sa manager ko sa unang araw ng reading namin at look test for the new soap.

"Tumigil ka nga diyan,halos 20 years ka ng artista. Umayos ka,Miks. Sinasabi ko sa iyo crucial itong project na ito sa comeback mo." Banta ni Mama Jen sabay hampas sa braso ko.

Si  Mama Jen has been with me since I was 10

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Si Mama Jen has been with me since I was 10. Hindi niya ako iniwan kahit sobrang moody ko minsan at ang hirap i-manage. Isa si Mommy Jen sa tatlong tao na nakakaunawa sa pagkatao ko-- siya, si Arya at si mommy lang talaga.

Isa siya sa mga tao na steady sa buhay ko. Siya ang pangalawang nanay ko at malaki ang utang na loob ko sa kanya. She was also one of the first people who noticed na nai-inlove na ako kay Arya noong mga bata kami. Siya rin ang isa sa mga unang nakaalam na naghiwalay na kami.

"Iyan na siya. Siya ang magiging leading lady mo. Oh, ang ganda 'di ba?" bulong niya na may parang pahiwatig sa akin or may halong panunukso.

Kahit hindi ako nagkwento kay Mama Jen, alam niyang ready na ako mag-move on. Ready na ako sumubok magmahal ulit. Malaking bagay sa akin na nag-move on at nagmahal na ulit si Arya, kasi ibig sabihin noon, okay na siya.

"Hoy Miko, reading ng script palang ngayon, huwag ka masyadong ma-praning ha" reminder ni Mama Jen.

Today's the first time na makikilala ko si Beatrice Sandejas. Being the anxious person that I am, I arrived one hour early. A few minutes after I arrived, dumating na rin si Beatrice. In fairness, maaga rin siya, magkakasundo kami kung lagi siyang ganito.

Pagtingin ko, ang ganda nga niya pero mukha siyang mataray. Pinakilala siya agad nung network producer sa akin.

"Hi! I'm Beatrice. Bea na lang po for short" sabay abot ng kamay sa akin.

"Hi Bea! Uhm ako si Miko at please huwag mo naman ako i-po." medyo nahiya ako na feeling niya mas matanda ako sa kanya. Siguro aa industriya pero sa edad parang hindi naman nagkakalayo.

Meeting Beatrice, may instant attraction on my part. I can say I'd just felt more alive in the past ten seconds than I had in a year.

***

The soap I did with Beatrice required out of country location shoots. Duon kami naging close. Isipin mo halos isang buwan kami sa Switzerland.

Magaan siyang kasama. Mabait, masayahin, pero malumanay. In a way marami kaming similarities and magkasundo kami.

The closeness developed into something more. Nagsimula kami lumabas na kami lang at mas nakilala namin ang isa't-isa.

Masaya ako kapag kasama ko siya. Excited ako magtrabaho dahil siya ang katrabaho ko. Hindi ko pa masasabi na love na ito, pero nahuhulog na yung loob ko sa kanya.

 Hindi ko pa masasabi na love na ito, pero nahuhulog na yung loob ko sa kanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
HEAL MEWhere stories live. Discover now