Chapter 9: Heartaches

125 7 0
                                    

It took a while before Arya recovered from her depression. Sama sama kami sa pagtulong sa kanya makabangon muli.

She returned to acting because that helped her cope with the grief. Kahit ayaw na siya payagan ni Nick.

By this time, nakabalik na ako sa dati naming network and there were talks that we'd be given a reunion project. Pero hindi ko muna iyon iniisip.

 As for me, I've gone out on dates, pero hanggang duon lang. Tuloy, ang tsimis ay sobrang babaero ko. Malandi daw ako kasi I never entered a relationship after Arya and B. Hinayaan ko na lang na ganoon ang maging impression nila sa akin, babaero, malandi, at kung ano pa, para maiwasan na malaman nila ang totoong dahilan kung bakit hindi ako pumapasok sa seryosong relasyon.

***

Arya was just doing a comedy sitcom and nothing more. She doesn't want to take on heavy workloads because she and Nick are trying to conceive again.

It did not take long before she finally got pregnant and had to take a leave again because she would like to take care of the baby.

Arya and Nick eventually had a baby boy whom they named Miguel. They named him after Arya's grandfather. 

Ako? I kept myself busy with work. I still haven't dated anyone seriously since Beatrice. Si Bnaman, she's dating someone non showbiz and is happy with him. Occasionally we text to check on each other. We have become close friends and happy siya ngayon at happy ako para sa kanya.

Ako, hindi ko pa kaya pumasok sa panibagong relasyon. Hindi pa kaya nitong puso ko magmahal ulit.

Si Pat at Mama Jen, lagi sinsabi sa akin na kailangan ko na mag move on for real, pero wala eh, iyong puso ko pagod na pagod na yata.

I've been single for two years. Mabuti nalang at may mga kaibigan ako na nariyan para sa akin.

Bihira na kami magkausap ni Arya, she occasionally send texts na nangangamusta pero hanggang duon nalang iyon. Ibang-iba na yung buhay niya ngayon.

***

Matagal tagal rin kaming hindi nagkita ni Arya, almost one year. When she was pregnant, paminsan pinapadalhan ko siya ng pagkain, pero hanggang ganun lang. Kaya noong nag-message si Gita sa grupo na dalawin naman namin si Arya, isa ako sa mga unang nag-yes.

Mahal na mahal ko pa rin siya. 

Noong dumating kami sa bahay nila, mukhang nag-away sila ni Nick because he just said hi to us and left the house. Usually, he would stay para makipagkwentuhan, lalo na medyo matagal kaming hindi nagkita-kita.

I saw how tired Arya looked. She's happy with Miguel, pero mukhang pagod na pagod siya. Hindi ko masasabing malungkot siya pero yung mga mata niya, halatang halata yung pagod.

Sobrang cute ni Miguel, kamukha siya ni Arya. 

Medyo nagulat ako na halos si Arya lang lahat, ayaw niya kasi kumuha ng yaya at gusto i-enjoy ang motherhood. Siguro ito ang dahilan kung bakit siya pagod. For a bit, I was worried pero I guess ito ang gusto ni Arya gawin at kahit ano pa, masaya siya maging ina.

Mahaba at masaya ang kwentuhan. She was excited to share the new things she discovered about herself and about having a baby. I knew it, she'd be a good mother. Sumagi rin sa isip ko kung paano kung kami ang nagkatuluyan, ganito rin kaya? Pero siyempre I pushed it aside. Makita ko lang siyang ganito ka-excited at kasaya kahit pagod, para sa akin, sapat na iyon.

***

Arya took a long break from showbiz, even when she was pregnant, duon lang siya sa comedy show nag-regular. She did not accept other major projects. She really enjoyed the first year of being a mother. After Miguel turned one, she eventually had a showbiz comeback with a blockbuster movie. Dito na unang lumabas ang mga balita na on the rocks na ang marriage nila ni Nick.

HEAL MEWhere stories live. Discover now