"Ikaw muna"
Hayy. Ang pogi pogi talaga ni Cody! Para sa'kin siya na talaga ang PERFECT GUY ko. May kanya-kanya tayong description ng perfect. Di ko nga alam kung bakit ako nagkagusto sa sobrang opposite ko. Siya yung tipong heartthrob ng school, gwapo, mayaman, mabait, matalino rin! Di nga lang gano sa math. Opposite talaga kami. Specialty ko kasi ang math, naka-nerdy glasses, braces, at matalino din ako sa lahat ng subjects, sexy din ako, maganda rin yung buhok ko, at wala akong pimples. Ano ha? BEAT THAT!
Pero in the past years, lagi akong binubully, hindi ko kasi sila pinapatulan. Kaya sila, sige lang ng sige sa pambubully. Etong crush kong si Cody, never pa kong kinausap. Never ko rin naman siyang kinausap dahil lagi siyang surrounded by "the populars". Pag tinatry kong lumapit sa kanya, sasabihin ng mga kasama niya,
"Oh, here comes the nerd."
O, di kaya,
"Hi nerdy, patulong naman sa project. Thanks!"
How nice, right?
Well, there's one time na akala ko makakausap ko na siya. Inutusan kasi ako ng Math professor namin na i-tutor si Cody. Ako naman si excited, dahil sa wakas makaka-one on one ko na siya!
Pero dahil paasa si tadhana at nakalimutan ko ang katagang "expect the unexpected", di ko rin siya naturuan. Nagkataon kasi na may sakit siya. Akala ko ireresched niya pa yung tutorial sessions, pero di na niya ginawa. Hayy.
Kailan kaya niya ko mapapansin? Kailan ko siya makakausap? Kailan ako magkakaroon ng lakas ng loob na lapitan siya? Hanggang tingin na lang ba ako? Sapat na ba 'yun?
"HOY!"
"AY, CODY KO!"
"HAHAHAHA! Shiz, Thea! Epic ng face! Nagdadaydream ka na naman dyan sa Cody loves mo!" -Lovely, bestfriend ko.
"Eto naman eh, pabitin." I pouted
"Loka ka talaga! Gusto ko sanang sabihin na break time na! Di ka ba nagugutom?"
"Gutom."
"'Yun naman pala eh. Lika na!"
Pagpunta namin sa canteen, naghanap agad kami ng table.
"Best, bibili lang ako ng shake ah."
"Ge!"
Pagtingin ko sa sa food stall, yosh! Walang nakapila!
"Ate isa nga pong-"
"Ate isa nga pong-"
Pagtingin ko sa nakasabay ko,
O.O
si Cody pala!
"S-sige ikaw muna."
"No, ikaw na, ladies first." Ngumiti siya sa'kin, yung ngiting nakakatunaw. Ang gentleman niya talaga. Kaya lang nakita kong naghihintay na yung mga kasama niya.
"Ikaw na muna, di naman ako nagmamadali, hinihintay ka na ng mga kasama mo."
Tumawa siya, "Okay lang yun. Pabayaan mo na sila. Mauna ka na."
Naramdaman kong uminit ang mukha ko kaya umiwas ako ng tingin at umorder na.
Pagka-order ko, sinabi ko sa kanya, "Bye! Thanks!"
"Sure! See you when I see you!"
Nginitian ko na lang siya at bumalik na.
"Tignan mo tong babaeng to, abot outer space ang ngiti, nakausap lang si Cody eh. Yiee! Yiee! Yiee! KWENTO!"-Lovely. Sinundot niya pa yung tagiliran ko.
"Mamaya na, ano ka ba!"
"To talaga! Sige ganyanan na! First time mo lang siya nakausap ganyan ka na ha!"
Natigilan ako. And ngayong lang nagsink in sa'kin na,
oo nga no, ngayon ko nga lang siya nakausap.
-----------------------------------------------------------------------------------------
A/N:
LAMEEEE!! Ikr. Wala kasi akong magawa kagabi. Hahaha! Gagawan ko to ng part two! Eh kasiii, nabitin akooo. Nyahaha! Nakakatamad na magtype kaya, next time na yung part two. XD
Vote and comment =))
Salamaaats,
-zoeeeyraa ♥
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryTrue love is never easy, but it has to be found. Because once it's found, it can NEVER be replaced... ♥♥