The Promise

82 2 3
                                    

The Promise

Umuulan.

Halos araw-araw nang umuulan. Sana bukas gumanda ang panahon. Balak kasi naming pumunta sa farm ngayon. Bakasyon na kasi eh.

Di ko alam kung bakit tuwing bakasyon lagi akong pumupunta sa farm namin. Wala naman akong ginagawa doon.

Pero doon ako nakakaisip ng matino. Yung walang nakikigulo. Matiwasay doon. Sariwa ang hangin.

"LAY!"

"Ay matiwasay! Ano ba! Kitang nag-iisip eh!"

"Sorry. Pwedeng magsorry? Earth kasi to Lay. Earth. Kanina pa kami dakdak ng dakdak ni Liz, ikaw nakatunganga."

Tinitigan ko lang siya.

Nandito nga pala kami ngayon sa sasakyan. Kasama ko tong dalawa kong kaibigan. Mukhang ngayong bakasyon, hindi ako magiging matiwasay.

Nung nakaramdam si Lala na wala akong balak sumagot, napa-"Haay" na lang siya.

"Ang lalim naman kasi ng iniisip mo, sis! Bakasyon na oh! Dapat enjoy! Ano ba kasing iniisip mo?"-Liz

"Ano ka ba Liz! Duh? Pupunta tayong farm. FARM! Get it? Natural iniisip ni Lay kung makikita niya yung nawawalang love one niya. Hihihi!" Tsaka umarte si Lala na parang kinikilig.

"Love one ka dyan! Nagbabakasakali lang naman akong makita siya uli." Malungkot kong sabi.

"Hay, sis, kung ako sayo, magmomove on na ko! 9 years ka nang naghihintay sa kanya! 9 years ka ng pabalik-balik sa farm na to para lang magbakasakaling makita siya! At hanggang ngayon di mo pa rin siya nakikita. At walang nakakaalam kung makikita mo pa siya. Maybe, he's really not the one for you."-Liz

Napatulala kami ni Lala sa monologue ng aming kaibigan. Ako, nag-iisip ng masasagot sa kanya.

"Wow, sis! Umaariba ka na! Ang haba ng sinabi ah! Hahaha!" -Lala

Napailing na lang kami ni Liz. Mood breaker! -____-

Sinabi ko ba kanina na hindi ko alam kung bakit akong pumupunta ng farm? Well, may dahilan talaga ako dyan.

Flashback 9 years ago...

Nandito lang ako sa bahay namin sa farm. Nag-aaral. Wala akong ginawa kundi magbasa ng books dito sa terrace. Favorite place ko to sa bahay, mahangin kasi, payapa. Walang nakakagambala.

Napatingin ako sa baba, may mga batang naglalaro. Takbo lang sila ng takbo. HIndi ba sila napapagod? Hindi ba sila nag-aaral?

"KAREEEEL!!"

Napatingin ako sa sumigaw, isang batang lalaki na sa tingin ko kaedad ko lang. Paano niya nalaman ang pangalan ko? 

"Baba ka na ditooo!! Laro tayo!"

Nagkunwari akong walang narinig at hindi siya pinansin. Pero sa loob loob ko, naiinggit ako sa mga naglalaro. Nung tinawag ako nung lalaki, gustung-gusto kong bumaba at maglaro pero hindi ko magawa. Pinagbawalan ako ng mga magulang ko na lumabas at makipaglaro sa ibang mga bata. Kaya, ato ako, stuck sa bahay at walang magawa kung hindi ang mag-aral.

*creeeeaak*

Napatingin ako sa tumunog. HInanda ko ang sarili ko. Hindi ako takot marunong ako ng martial arts no!

"Karel!"

Pamilyar yung boses niya, kaya nilapitan ko at nagulat ako ng makita ko yung batang lalaki kanina na umaakyat sa terrace ko.

"Ano bang ginagawa mo? Baka mahulog ka! Bumaba ka na nga!"

"Ayoko. HIndi ako bababa hangga't di kita kasama."

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon