Melancholy Reflection

37 1 0
                                    

Melancholy Reflection

 "Babe!! Happy 11th monthsary. :* :* :* I love you. Mwah. Sana magtagal pa tayo. Sana ikaw na talaga mapapakasalan ko. :)) :** magwa1 year na tayo. Akin ka lang ah? >:*<" 

Finold ko ulit yung papel na hawak ko at nilagay sa bulsa ni Squishy. Ang aking life size teddy bear. Yakap yakap ko lang si Squishy. Wala akong magawa.

Nag-isip-isip ako ng pwedeng gawin nang may maalala akong box.

It has been a year since the last time I checked it. Etong si Squishy lang ang di ko malagay dun dahil hindi nga kasya.

Pagkakuha ko sa box sa taas ng cabinet ko binuksan ko 'to agad.

Ang akala kong hilom na sugat, nandito pa pala. Damang-dama ko.

"Babe! Kamusta ka na? I miss you! I love you! Ingat ka lagi!"

"Babe, okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak kanina? May umaway ba sa'yo? I miss you!"

"Babe ko! Ilang buwan na pala tayo no? Sana magtagal pa tayo. I love you! Ingat lagi! Papakasalan pa kita!"

"Babe! Happy Birthday! Lame naman nitong sulat ko. Sorry hindi ako nakapaghanda ng date natin ah? Alam mo naman yung sitwasyon natin. Hay. I miss you, babe! Nagustuhan mo ba yung regalo ko sa'yo? Cute no? I love you!"

Lahat- lahat. From small things to big things. Letters, teddy bears, at kung anu-ano pa. Lahat nakatago sa box na ito. At gaya ng dati, sa tuwing binubuksan ko to, umiiyak ako.

Kinalkal ko pa yung box. May nakita akong wrappers, ng candy, chocolate, pati regalo. Timang ko talaga non. Pati yun tinatago ko pa.

Ibabalik ko na sana yung box sa cabinet nang may mapansin akong box. Isang box na ang laman nito ay isang bagay na hindi ko malilimutan.

~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!"

"Happy Birthday Ashley!" bati naming lahat.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon