Chapter III

447 7 2
                                    

Naalala ko nanaman ang nakaraan HAHAHA, Dalawang taon na ang nakakalipas pilit paring bumabalik sa aking mga alaala si Ralph, bakit nasasaktan pa din ako tuwing pupunta ako sa school na to? Hindi ko alam kung bakit pero bakit Mahal ko pa din siya kahit sinaktan lang niya ako. Paano bang kalimutan ang taong Minahal mo ng totoo? Opo! Tama kayo! Naging kami ni Ralph, gusto niyo malaman kung paano nang yari un? Cge cge

*Flash Back *

Naging mag bestfriend kami ni Ralph, ewan ko kung bakit pero siguro hanggang dun lang kaming dalawa, after ko kasing tanggihan ung alok niya sa akin kung pwede bang maging kami naging mag kaibigan lang kami,

' Best, kamusta na kayo ng bestfriend mo na si Ralph?

' Ok lang naman kaming dalawa, kilala na din siya ng parent’s ko,

' Umuwi na Mommy and Daddy mo?!

' Oo naman, kahapon lang, nasa bahay pa nga si Ralph nung umuwi sila eh, surprise nga eh, walang nakakaalam na uuwi sila. Kaya ayun pinakilala ko na si Ralph.

' Ganun ba?, Ah! Best, Nasabi mo na ba na sa kaniya?

' Ung ano?

' Na may gusto ka sa kaniya?

' Ah. Hindi na siguro, saka alam ko naman na pag tatawanan lang ako ni Ralph kung sasabihin ko pa sa kaniya diba?

' Pero best, nasasaktan ka na diba?

' Kakayanin ko best, para hindi masira ung Friendship naming dalawa.

' Bahala ka. 

Sa totoo lang gusto ko ng sabihin kay Ralph na may gusto ako sa kaniya pero laging humaharang ang salitang MAG KAIBIGAN LANG KAYO HANGGANG DUN LANG UN, saka pag tatawanan lang ako ni Ralph kung sasabihin ko pa, saka alang alang na din siguro sa Frienship naming mag titiis ako, pero kasi sa bawat pag papakilala sa akin ni Ralph ng mga Girlfriend niya nasasaktan ako hindi ko alam kung bakit?, lagi ko na lang iniisip na sana kung pumayag lang sana ako sa Tanong ni Ralph kung pwedeng maging kami, edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito, :(((

Isang araw pumunta si Ralph sa bahay namin, gabi na mga 11 pm na hindi ko alam kung bakit gantong gabi eh pumunta pa siya sa amin at may dala pa siyang bote ng Alak alam kong may problema to kaya hindi ko pwedeng sabihin na “BUKAS NA LANG” hindi ko naman kasi siya matiis eh, Mahal ko eh. Kahit ang sakit sakit na.

' Mae, pwede ba kitang makausap?

' Gabi na, bakit ba?

' Sige na Mae, may problema ako at ikaw lang naman ang nakakaintindi sa akin diba?

' O’cge pumasok ka na, Halika na dito.

' Mae, bakit ganun sila ok naman kamo ako diba? Gwapo naman ako at mapag mahal diba sabi mo, pero bakit nila ako iniiwan, ako laging nasasaktan, nag seseryoso naman ako sa kanila, pero bakit?! Ano ba kase problema sa akin Mae, ano?

Nagulat na lang ako sa sinabi ni Ralph, gusto ko siyang yakapin pero hindi pwede, gusto kong  sabihin sa kaniya na “Bakit kase Hindi na lang tayo?Ako Hindi kita sasaktan”. Gustong gusto kong sabihin sa kaniya ang mga salitang yan pero natatakot ako. LL

' Ano ba kasi nang yari sa iniyo ni Princess?

' Mae, break na kami, pinag palit niya ako sa Isang 3rd year high school, Mae, Ang sakit eh, mahal na mahal ko si Princess, pero sinaktan niya lang ako eh.

' Kaya ka nag papakalasing!, Ralph, bakit ba kasi hindi ka pa nadadala, hindi bat kailan lang ng sinaktan ka ni Grace tapos ngayon si Princess naman, ewan ko ba sayo Ralph kung ano ba ang meron sila na wala ako?! Ano ba meron sila at di mo ako mapansin?! Ralph! Kung ako lang mamahalin mo hindi kita sasaktan, nandito ako palagi para sayo! Ralph! Alam mo ba lagi ko na lang sinasampal ang sarili ko para magising sa katotohanan, pero ganyan naman talaga diba lahat ng nag mamahal nag papakatanga! Pero tanga na kung Tanga pero Mahal kita!! Mahal kita manhid ka! Mahal kita. Mahal na Mahal!. :’((

  

Di ko alam kung bakit lumabas sa mga bibig ko ang mga salitang yan, siguro hindi na matiis ng puso ko ang nararamdaman ko kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko, Nakita ko si Ralph na parang nagulat pareho kaming umiiyak, hindi ko alam kung bakit pero siguro tama na rin na malaman niya.

' Mae, Mae, Tama na wag ka ng umiyak,

' Kasi naman ikaw eh! Ang manhid manhid mo,

' Tama na, wag ka ng umiyak, Ayaw kitang nakikita na nag kakaganyan, Mae tama na tama na.

Ako na lang ulit, Tayo na lang. </3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon