' Best, inaalala mo nanaman si Ralph, kaya ka nasasaktan eh nandahil sa binabalik mo ang nakaraan, best sana malaman mo na Tapos na hindi na maibabalik ang nakaraan, tama na nasasaktan ka lang eh, Ikaw na nga diba ang nag sabi na “OK NA AKO” pero bakit nakikita ka nanaman naming na umiiyak, Tama na Best, hindi lang naman ikaw nasasaktan, kami din dahil ayaw ka naming nakikitang nag kakaganyan.
' Best Siguro nga hindi tama na mag stay pa tayo sa Past School natin na to, kasi alam niyo tuwing pupunta tayo dito lagi na lang may naaaalala si Mae eh, Tara na nga uwi na tayo, Mae wag ka na umiyak ah, sory talaga best
' Naku! Ano ba naman kayo, OK lang ako,
' Ayan! Sinasabi mo nanaman na OK ka, muka ka bang OK, Tara na nga.
Siguro nga tama sila na kailangan ko ng itapon lahat lahat ng Nakaraan namin ni Ralph, pero paano ko magagawa un kung sabawat oras na lang ay may mga bagay na nakakapag paalala sa akin, Sinubukan kong mag Move On pero wala eh, kahit anong gawin ko hindi ko makalimutan si Ralph, Mahal ko pa din siya Mahal na Mahal.
( Kinabukasan )
August 21, ngayon sana ang 1st anniversary namin ni Ralph, pero hindi ko na maicecelebrate to dahil wala na nga diba, wala na kami, masakit man para sa akin , kakalimutan ko na siya pipilitin ko ang sarili ko na pakawalan siya kahit ang sakit sakit gawin, pero kailangan. Hanggang sa isang araw nakita ko si Ralph, may kasama siyang babae, maganda, maputi, makinis at matangkad, sinasabi ko sa sarili ko na sana ako ung babae na kasama ni Ralph. Sana ako na lang un. L
Bibili sana ako kaso nandun sila eh, ano gagawin ko? Bahala na. Papunta na ako sa tindahan, saktong umalis ung babae na kasama ni Ralph, so naiwan si Ralph sa tapat ng tindahan nakaupo at kumakain,
' Pabili po, isang Coke nga po saka Nova, eto po bayad ko ( 20pesos)
' Uy! Mae, long time no see ah, kamusta ka na?,
' Oo nga eh, long time no see, eto ok naman ( I Smiled to him ), Ikaw, ikaw ang kamusta na ibang iba ka na ah.
' Miss, eto po Coke and Nova mo.
' Salamat po., Ah cge Ralph alis na ako,
' Mae, pwede ba kitang makausap?
' Ah, cge ba, saan?
' Dun na lang malapit lang naman eh, private kasi masyado eh.
Pumunta na kami sa Park kung saan kami dati nag kikita marami ng nag bago sa Park na to, dati ang dami daming kalat dito pero ngayon ang linis linis na, nandun pa din ung bangko kung saan kami nag kakilala ni Ralph. At sa bangko na un kami umupo.
' Ralph, bakit dito tayo nag punta?
' Wala lang, Mae, ang laki ng pinag bago mo.
' Hehehe, hindi naman, ikaw kaya jan, teka! For sure may girlfriend ka na ulit.
' Hehehe, oo si Faye.
' Ah ganun ba, siya ba ung babae na nakita ko kanina na kasama mo sa tindahan?
' Oo siya un.
' Ah, maganda siya saka bagay kayo.
Hindi ko napigilan ung mga luha ko sa bawat tanong ni Ralph, hindi ko alam kung bakit siguro dahil sa Mahal ko pa din siya, gusto kong sabihin na Mahal ko pa din siya, pero baka kasi isagot niya “ Ako hindi na” ayokong mang agaw ng isang relasyon na alam kong masaya sila, ayaw kong ipilit ang gusto ko na mag kabalikan kami ni Ralph na sana ako na lang ulit, pero Mahal ko pa din siya, (I Cried)
' Oh, Mae bakit umiiyak ka? May nasabi ba ako?
' Ralph wala, Ralph ok lang ako, wag mo akong intindihin, ayos lang ako, ( I Gave him a Fake Smile )
' Mae, ano ba problema?
' Ralph, Ako, ako yung problema kase nasasaktan ako kahit hindi naman ako dapat nasasaktan. Sana kaya ko na lang tiisin yung sakit na nararamdaman ko. Kase ako yung humiling nito dba? Ako yung may gusto. Sana kaya ko ring sabihin sa 'yo na masaya ako para sa 'yo.. Para sa inyo.. Sana kaya ko. Sana kaya ko. Pero hindi eh'. Ang sama sama kong tao kase umaasa pa din ako na sabihin mo sana ako pa rin.. Ako na lang. Ako na lang ulit.
' Mae, Mahal ko si Faye,
' Alam ko, alam ko un Ralph. Pero Ralph bakit ako nasasaktan ng ganito,
' Siguro Mae dahil saMahal mo pa nga ako, pero Mae kase hindi na pwede, nag sory ako sayo nag promise ako na hindi na mauulit pero hindi eh binaliwala mo lang lahat ng’yon. Sory Mae pero naka Move On na ako at mahal ko si Faye, Bye.
Umalis si Ralph at iniwan niya ako na umiiyak at nakaupo sa bangko kung saan kami madalas nag uusap, Siguro nga kailangan ko na talaga tanggapin ang katotohanan na hindi na pwede, wala ng pag asa, tama na! masakit na,
After one Month napag disisyunan ko na umuwi na lang ng China, para na rin makamove on ako at para makasama ko ung Family ko, siguro sa paraan na to makakalimutan ko na ang masakit na kahapon, pipilitin kong kalimutan ang taong minahal ko ng Totoo, at ang unang lalaking minahal ko at unang lalaking sinaktan ako. Makakaya ko to. ^___________^
(Sometimes love is hard to find. And what’s worse, when your loved one does not reciprocate your feelings? Maybe he/she is just too shy, or does not know what to say.)
Thank's for reading my second story hope ko po na nagustuhan niyo, medjo magulo HEHEHE, pero sana naitindihan niyo.
Don't forget to Vote and Comment, thank you. :)