Chapter I

16 0 0
                                    

"Hm, Rhein, what are you trying to do now?" Tanong sa akin ni Jessica. Bestfriend ko since high school.

"I don't know." Malungkot kong sagot.

"Mag-aaral ka pa ba ng college?" Tanong nito sa akin. Napayuko ako at binalingan ang mga daliri kong kanina ko pa pinaglalaruan.

"You know what, Rhein, you are skilled. Matalino ka, at sasayangin mo na lang ba 'yon?" May puntong pahayag niya. I sighed saka ko siya binalingan.

"Tingin mo? Kaya ko pa ba? O kaya pa ba nila Lola ang pag-aralin ako?" Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil nagbabadya ang pagtulo ng mga luha kong kinana ko pa naipon sa pagpipigil ko.

"Hindi ko alam, Rhein. Maybe, kaya pa nila." Sagot sa akin ni Je na siyang ikinangisi ko.

"Maybe, Je? Really?" Sarkastiko kong tanong.
"From elementary to high school, sila Lola't lolo lang ang nagpa-aral sa akin. Hanggang ngayon ba namang kolehiyo na ako?"
And that's it! I started to cry.

"Kung bakit naman kasi wala ang parents mo sa tabi mo e..." Mahinang bulong ni Je, pero nadinig ko.

"I don't want to see them. I don't even want to know them. Sila lola at lolo lang ang pamilya ko." Madiing sabi ko pero may kurot sa puso ko.

Ever since I was young, ang kinilala ko lang na mga magulang ay sila Lolo at Lola. I don't have mother nor father.
Hindi ko alam kung sino at nasaan sila, at wala din akong balak na alamin 'yon.
This is their fault kung bakit nagkakaganito ako ngayon, ang buhay ko, ang buhay nila Lolo at Lola.

"Wala man lang bang sinabi sa'yo ang lolo at lola mo tungkol sa mga magulang mo?" Je asked me. I rolled my eyes.

"I am not interested either, Je." Napasinghap siya sa sinabi ko.

"Even though, Rhein. Responsibilidad ka nila. Dapat nilang malaman na may anak sila na dapat pag-aralin. Kung ayaw mong nakikita na naghihirap ang lolo at lola mo, go find them. Sabihin mo sa kanila na anak ka nila at dapat nilang pag-aralin ka."
Litanya ni Je. I always think that way, pero laging may kontra na 'Bakit pa? Bakit ngayong kolehiyo na ako? Bakit hindi pa dati? Hindi ko sila kailangan.'

"Je, hindi din alam nila Lola at Lolo kung sino nga ba ang parents ko." Sagot ko kay Je. Napaisip naman siya.

"What? E, bakit gano'n?" Naguguluhang tanong niya.

"Huwag na lang nating pag-usapan 'to, Je. This is annoying. Bahala na, hahanap na lang siguro ako ng part-time job."

"Sure ka? Kaya mo ba?" Tinignan ko siya ng seryoso saka ako ngumiti.

"Kailan ko ba hindi kinaya?" Nakangiting tanong ko sa kanya. She smiled saka kumapit siya sa braso ko.

"That's my bestie! At dahil d'yan, ililibre mo ako ng isaw!" Natatawang aniya sa akin na dahilan nang pagtawa ko.

"Oh come on, Je. Bakit ako? Ako nga itong nangangailangan pa ng pera e." I chuckles.

"Biro lang naman, bestie! Ako na may treat hahaha!" Masayang sabi niya sa akin at hinila niya na ako palabas ng kanto namin.

"Ang dilim na pala, anong oras na ba, girl?"
Tumingin ako sa wrist watch ko.

"9pm." sagot ko.

"Anong oras 'yung curfew?" Tanong nito. Napangisi ako.

"12am pa. Bakit? May binabalak ka ba?" Taas isang kilay na tanong ko kay Je. Namula naman siya. Hala ah.

"Wala ah! Tara na nga sa isawan!" Napangiti ako nang hilahin niya ulit ako. Napakaaaa kulit niya talagaaaa.

Words of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon