“nak, ano kamusta lagay mo?”…
Yu: manang…
Manang: o bakit?
Yu: (yumakap)
Manang: (niyakap)
Yu: malapit na ata ako…
Manang: huh? Naku kang bata ka! Ano bang pinagsasasabi mo?
Yu: manang, papano na si Kim? Anong gagawin ko? ayoko syang iwanan,
ayokong masaktan sya! Anong gagawin ko? (umiyak)
Manang: (naiyak na rin) anak naman eh! pati ako pinapaiyak mo! Ano ba talaga?
Tigilan mo na yang biro mo, hindi yan nakakatuwa!
Yu: (umiling) sana nga, biro lang eh. pero… pero totoo manang. Sabi ni doc,
madali ko raw ikamamatay dahil wala pang lunas tong sakit na to
hanggang ngayon na sa dinami-dami ng tao, ako pa ang napiling
bigyan! Ayoko… (sobbing) ayokong mamatay manang!
Manang: (niyakap) ay iho! (umiyak rin) wag kang ganyan, manalig lang tayo sa itaas
at siguradong hindi ka nya papabayaan!
Yu: (humagulgol) manang si Kim! Papano na sya? Mahal na mahal ko yung
babaeng yun! At ngayon malalaman ko na bilang na pala ang araw ko na
makasama sya… papano na? papano ko sasabihin sa kanya? Ayokong
masaktan sya, ayokong paiyakin sya! Dahil mahal na mahal ko sya,
hindi ko kaya manang. Kung dati hindi ako natatakot sa sakit ko pero
iba na pala ngayon! Ganito pala yung pakiramdam na nagmamahal ka, na
ayawmo syang iwanan dahil sobrang mahal mo sya.
Manang: tama na, tama na anak…
At patuloy sila na nakakaiyak na drama.
Hanggang sa pagpasok ay wala pa rin syang maisip. Sa ngayon, nakatitig sya
sa gf nya na ngayon ay nagrereport sa harap ng klase. Grabeng pag-ibig toh, sa isip-isip