Hindi na nga pumasok pa si Yu. Lumipas pa ang ilang buwan at sa araw-araw na
ginawa ng Diyos ay ramdam nya ang bawat pasakit na hatid ng sakit nya. Pero patuloy pa
rin syang lumalaban dahil nasa tabi nya lang ang babaeng nagbibigay pag-asa sa kanya.
Nag-nobena sila kung saan-saan para humingi ng tulong sa Diyos. At kahit wala pa ring
senyales ng pag-asa, kumakapit pa rin ang 2 sa ngalan ng pag-ibig nila. At sabi nga nila,
“kakayanin natin ang lahat basta magkasama tayo”.
“Kim…”
Kim: (tumingin) Yves? (smiles)
Yves: (yumakap)
Kim: Y-Yves?
Pinili nilang mag-usap sa field…
Kim: bakit ditto tayo pumunta? May problema ka ba?
Yves: (smiles) ang ganda ng langit noh?
Kim: (tumingin) oo, tama ka.
Yves: sa tingin mo, pag namatay tayo jan lahat ang punta natin?
Sa narinig na iyun ay biglang nagbago ang mood ni Kim.
Yves: Kim?
Kim: a-ah? O-oo, siguro…
Yves: kung may hihilingin kang isang bagay, ano yun?
Kim: ----
Yves: umuwi na sina tita?
Kim: (umiling)
Yves: eh ano?
Kim: teka nga, bakit mo ba tinatanong yan sakin?
Yves: wala lang, gusto ko lang malaman. Ano ba sagot mo?
Kim: kahit di ko sagutin, alam yan ng nasa itaas.
Yves: ang alin? Ang madugtungan ang buhay ni Yu?
Kim: (napatingin)