Isang araw sa bayan ng Magnolia, may mga grupo ng mga kalalakihan ang sumalakay at halos lahat ng mga mandirigma sa bayang iyon ay nagapi ng mga dayuhang tinawag ang kanilang pangkat na Orasion Seis na pinamumunuan ni Lorgan Zefre. Si Lorgan Zefre ay ang pinakakinatatakutang kalaban dahil sa lahat ng kanyang hinahawakan at ginusto niyang patayin ay namamatay. Nakakalikha rin siya ng tao, hayop, demonyo o halaman na mayroong buhay para maging kasapi niya.
Sa kabilang panig naman ay may isang lalaki na may angking talento at kaalaman sa pakikidigma. Siya ay si Tsuna Neeldrag ang sinasabing anak ng isang dragon. Nang malaman ni Tsuna ang pananakop ni Zefre sa kanilang bayan ay bumuo agad siya ng grupo na lalaban sa pangkat ni Zefre at tinawag niyang Ryaifailt. Ang kanyang pangkat ay binubuo lamang ng limang miyembro; si Azer, Gray, Heart at Newdy.
Makalipas ang ilang araw ay nakahanap ang pangkat ni Tsuna at Zefre. Naging madugo ang labanan. Naging lima laban sa libo-libong kalaban ang naganap. Nasugatan at naging duguan ang panig ni Tsuna at unti-unting nanghina. Pilit na lumalaban si Tsuna kahit sugatan. Hindi siya sumuko kahit mamatay pa siya. Hanggang sa dumating ang oras na sila na lang dalawa ang natira ni Zefre at hinanghina na. Wala na siyang natitirang lakas para lumaban ngunit hindi parin siya sumusuko hanggang sa dumating ang oras na may liwanag na tumutok kay Tsuma at binigyan siya ng lakas at pinagaling ang kanyang sugat. Dahil sa pagbabalik ng kanyang lakas ay may sapat na lakas na siya para magapi si Zefre. Naglaban na silang dalawa at natalo ni Tsuna si Zefre. Kinilala si Tsuna ng lahat ng mamamayan sa bayan ng Magnolia bilang kanilang bayani at tagapagligtas na hindi marnong sumuko kahit ano pa ang haharapin.
- J.M.L.T. -

YOU ARE READING
MJCube's Short Stories
Cerita PendekDifferent Short Stories from English , Filipino and selected translated languages.