The Jollibee Story XD (Short Story at walang kwenta lol)

111 2 2
                                    

Ok wag niyo na itanong kung bakit ganyan ang title! hahahahhaha

...............................................................................................................

6:30 Pm.

Pumunta kami ng mama ko at mga kapatid ko pati na rin mga yaya namin sa Jollibee para doon na magdinner.

Umo-order na si mama ng pagkain ng umupo kami nila yaya sa table.

Napansin ko sa may gilid, nag-iisang babae.. nakamake-up and everything.

College student ata si ate.. nakakunot ang noo at tumitingin sa phone niya.

Napansin ko ang suot niyang damit.. maganda sana pero super ikli.. kaya maraming nare-rape na babae eh.. nang-aakit din sila kung manamit sa kalalakihan. tsk.

Dahil nabobored akong maghintay ng pagkain ko.. pinanuod ko lang si ate sa ginagawa niya.

Eto lang ang ginagawa niya.

Simangot, irap, tingin sa phone, pindot pindot, bagsak ng mahina ang phone , tingin sa paligid na parang may hinahanap.

ALAM KO NA! 

May ka-date si ate! pero late ang lalaki.

Anong klaseng boyfriend naman ba yan!

Duh?! pag-intayin ang babae? tsk tsk napaka-ANO!

Ayoko sa lahat ganyan ang trato sa babae...dapat ang babae ang iniintay ng babae pag nagdedate diba? MYGHAD!!

Dinamayan ko na din si ate na hintayin boyfriend niya so ako.. tingin tingin sa oras..

mga 19 minutes nang late si kuya.. or more! kasi nauna sakin dito si ate eh.

Nahuli niya na nakatingin ako sa kaniya kaya bigla akong INIRAPAN! like what the heck? irapan daw ba ko?

Seriously, dapat kung badtrip ka.. wag mo idamay ang ibang tao.. wala naman akong kaalam alam kung anong nangyayari eh.. BA!

Oh ayan, tinapat ang cellphone sa tenga niya..

" Hello?! " sabi niya sabay tumigil.

Binaba ata?

Ayan nilagay ulit sa tenga niya.

Nagriring ata... nakasimangot nanamn si ate.. ayokong sabihin 'to pero, ampangit niya pag nakasimangot. dapat lahat ng tao ngumiti kahit bungi.

Pero hindi naman siguro bungi si ate. hahahah

"Hello?! " ay galit na galit eh. " Asan ka na ba? " tanong nito sa kausap niya sa cp. "Tsk! " sabi niiya sabay baba.

Pagkatapos nun, dumating na si mama dala dala ang isang tray ng drinks namin.

Yan lang ang order namin eh. hahahaha joke!

So ayun, nagsip muna ako habang hinihintay ang pagkain ko..

Ay oo nga pala si ate!

Tumingi  ulit ako sa kaniya.

Nakatingin siya sa may pinto ng Jollibee ng nanlilisik ang mata.. hindi ko tinignan ang tinitignan niya kasi baka sabihin napaka-chismosa ko. hahaha

Nakatingin pa din ako kay ate..

Sa tingin ko... gwapo yung bf niya.. kasi, kung sa ibang babae, pag pangit ang lalaki at pinag-intay ka. itatapon na lang basta basta. hahaha joke!

Pero feeling ko, gwapo talaga si kuya.. kasi hindi naman magpapakashunga si ate kung pangit ito noh!

Napangiti naman bigla si ate ng malapit na yung guy.

Ano ba yan, nakatalikod siya, di ko makita ang mukha. -______-

Pero bakit parang maliit si kuya? at naka japorms? (porma)

Tagaschool ko ba sila?!

malapit lang kasi ang Jollibe sa school namin.. at may party ngayon sa school pero di ako umattend.

At ang party eh.. pang-Highschool lang at hindi college...

O___________O!!!!!

 Ibig sabihin.... highschool pa lang si ate?! 0_______________0

Eh bat parang.... college na?!

" Tara na" tumayo na si ate.

Sabi na eh, super ikli ng suot. tsk.

Uy humarap na si guy.. siguro mga 2nd year pa lang sila... mga hindi ko ata kakilala eh.

Pagharap ni guy, laking gulat ko na lang!

Hindi siya 2nd year.... kilala ko siya.

OO NGA! isang gwapong nilalang ang nakita ko.

Ito pa ang masaklap!

Ang walang modong boyfriend ni ateng maikli ang suot eh...

Ang gwapong EX boyfriend ko lang naman....

................................................................................................................

HAHAHAHAHHA hindi ho ako yan ah... wala pa kong nagigibg BF! lol

Short Stories / One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon