CHAPTER 3
NAGISING AKO hindi dahil sa sikat ng araw na tumatama sa'king mukha, kundi dahil sa pesteng aso na dinidilaan ang mukha ko."U-Ugh! Kanade!" At hinawakan ko ang mukha niya't isinarado ang nakabuka niyang bibig.
Pinandilatan ko siya.
"'Wag ka ngang makulit, pwede?" At binitawan ko ang nguso niya.
Tumahol naman agad siya sa'kin at sumiksik sa ilalim ng kumot ko.
Napaikot ko na lang ang mga mata ko sa kakulitan niya.
Para akong nagbe-babysit ng bata.
Umayos ako ng higa at niyakap siya pero kinukontrol ko ang bigat ng braso ko at higpit ng pagkakayakap ko dahil ayoko siyang maipit.
Nasa dibdib ko siya, sa ilalim kami pareho ng kumot. Inilabas niya ang ulo niya at ang dalawang paa niya sa harap mula sa kumot. Magkalapit lang ang mukha naming pareho dahilan upang matuluan ako ng laway niya na galing sa dila niyang nakalabas.
Pinikit ko na lang ang mga mata ko at hinaplos ang ulo niya.
Balak ko na sanang matulog ulit kasama siya nang makarinig ako ng katok.
"Chell! Bibili tayo ngayong araw ng gamit mo sa eskwela, bumaba ka na riyan!" Boses iyon ni Tita.
I sighed loudly before shouting back.
"Coming!" At binalingan ko ng tingin si Kanade na nakahiga na agad ng maayos, definitely enjoying my touch.
Itinigil ko ang paghaplos sa ulo niya at kinausap siya.
"Kain na muna tayo. Mamaya, matutulog ka. Promise." At tinanggal ko ang kumot sa'min. Binuhat ko siya at bumaba ng kuwarto.
Inilapag ko na muna si Kanade sa may sala at dumiretso ako ng banyo upang mag-sepilyo at maghilamos.
Pagkalabas ko ng banyo ay agad na bumungad sa'kin si Marj na papasok ng kusina.
"Morning, Ate!" Masayang bati niya sa'kin nang makita niya ako.
Tumango lang ako sa kanya at pumuntang sala para kunin si Kanade.
"Kanade..." Tawag ko sa pangalan niya dahil hindi ko siya makita.
Napakunot-noo ako dahil nakita kong nakabukas ang pinto.
Dali-dali akong lumabas ng pinto sa isiping nakalabas si Kanade ng bahay.
Makakahinga na sana ako ng maluwag nang pumasok sa isip kong may gate ang kabahayan ngunit gan'on na lamang ang kaba ko nang makitang nakabukas ang gate.
"Shit naman..." Bulong ko at tumakbo palabas ng gate.
Lalabas na sana ako ng nakabukas na gate nang makasalubong ko si Ate papasok ng gate, bale naharangan niya ang daraanan ko.
"Chell? Saan punta mo? Nakita mo na ba itsura mo sa salami—"
"Can you please excuse me?!" Nakasalubong ang kilay kong putol sa kanya at saka siya itinabig paalis sa daanan.
Nakahinga ako ng maluwang nang makita si Kanade sa gitna ng kalsada.
Buti naman, akala ko nawala na siya.
Walang masyadong sasakyan ngayon sa village kasi maaga pa lan—
Nakarinig kami ng humaharurot na makina ng sasakyan.
Agad na napabaling ako sa sasakyan na humaharurot at papunta sa direksyon ni Kanade.
Nanlaki ang mata ko samantalang si Ate naman ay napasinghap.
YOU ARE READING
KANADE
Ficción General"Pets are not just pets. For me, they're a family member that you can always lean on whenever problem arises"