02: Weak Point

1 1 0
                                    

CHAPTER 2




"We're going now. Bye, 'Ta" paalam ni Kuya kay Tita Maggie na nakatayo sa may pintuan ng bahay.

"O sige sige. Mag-iingat kayo ah" at hinalikan nito ang pisngi naming magkakapatid.

"Babush Kuya Ionne. Ate Shey, hanapan mo ako ng BTS Poster ah. Ate Chell, magsalita ka naman sa school , hindi 'yong nagmumukha ka nang pipe" pang-aalaska pa sa'kin ni Marj.

Hindi ko siya pinansin at pumasok na sa loob ng sasakyan ni Kuya.

Hindi ko mapigilang alalahanin ang mga nangyari kahapon. Yesterday was my birthday and it was simple yet happy. Si Kuya ang may sagot ng lahat. Si Tita naman ay may paiyak-iyak pa. Normal na selebrasyon lang.

Masaya naman pero may kulang eh...

Parati namang may kulang, diba? Aning isang bahagi sa utak ko.

Napabuntong hininga na lang ako.

Sumandal ako sa headrest ng upuan dito sa passenger seat habang hinihintay sila.

Kung makapag-paalaman, akala mo naman kung saan pupunta.

Ihahatid kami ni Kuya ngayon bago siya pumasok sa trabaho niya.

Mage-enroll kasi ako ngayon para sa college kasama si Ate. Hindi ko kasi alam kung saang lupalop ang school na sinasabi nila na dati raw nilang eskwelahan ni Kuya noong college sila.

"Hindi ka man lang nagpaalam kina Tita, Sissy." Agad na sabi ni Kuya pagkapasok niya ng kotse.

Hindi ko naman na siya pinansin at kinuha na lang ang earphone at phone ko sa bag na dala ko para makapag-soundtrip na lang habang nasa biyahe.

Si Kuya naman ay busy sa pagsi-seatbelt. Nang matapos niyang ayusin ang seatbelt niya ay 'yong akin naman ang inayos niya.

I forgot...

"Ikaw talaga, dapat parati mong inuuna ang pagsi-seatbelt. There." At tinapik-tapik niya pa ang seatbelt ko.

Tumango lang ako. Umayos siya ng pagkakaupo at tiningnan si Ate Shey mula sa rearview mirror.

"Ikaw naman, Shey. Ayusin mo na rin ang seatbelt mo. Hindi kita maabot diyan sa backseat eh" agad namang tumalima si Ate.

Isa ring makakalimutin.

"'Yan. Tapos na, 'Ya." Imporma ni Ate kay Kuya.

"Okay. Alis na tayo baka ma-late pa kayo sa enrollment" at ipinaandar na niya nga ang kotse niya.

Habang nasa biyahe ay nakatutok lang ang tingin ko sa labas ng bintana habang nakaearphone.

Habang nagmumuni-muni ay hindi ko maiwasang balikan ang mga pangyayari sa nakaraan.

"Mommy, gusto ko po n'on" turo ko kay Mommy sa isang cotton candy stall na nadaanan ng kotse namin.

"No,baby. Napaparami na ang kain mo ng sweets. Sasakit na ang teeth mo" ani Mommy.

Agad namang nagsiunahang tulo ang mga luha ko at nagsimula ng magtantrums.

"But Mommy! I want that! I want that! Daddy! Daddy! I want to eat that toton tendy! Daddy! Kuya!" At lumipad ang mga tingin ko kina Kuya at Daddy na tahimik lang sa isang tabi.

KANADEWhere stories live. Discover now