Chapter 2- First Day, Malas Day
REIDAN'S POV.
First Day of School na! Yehey!
Ay...
Wait. Mali pala. Hindi na pala first day of school. Second Semester na po kasi. Katatapos lang ng First Semester. At alam niyo ba kung bakit ko nasabing first day of school? Nalito lang ako, readers hehe. Hindi talaga first day of school. First day ko lang naman sa aking new school.
Wait lang po pala mga readers, bago ko iyan i-explain, magpapakilala po muna ako.
Ako nga pala si Reidan Raphael Cruz. 17 years old. And... I AM GAY. PROUD TO BE A MEMBER OF LGBTQ+ COMMUNITY. Turning 18 sa January 28. Yehey! Malapit na ang birthday ko! Isa akong masipag na mag-aaral ng isang eskuwelahan sa lugar namin. Honor Student ako since elementary. Valedictorian nung elementary at nag-move-up ako sa junior high school ng Highest Honor. Limang taon na ang nakakalipas mula nung mamatay ang aking mga magulang dahil sa isang aksidente.
Nabangga ang aming sinasakyang bus na papunta sana sa aming probinsya nung mga oras na 'yon. Ako lang ang tanging nakaligtas sa trahedya na 'yon. Lahat ng pasahero sa bus, maging ang driver at konduktor at namatay. Akala ko rin, nung mga oras na 'yon at mamamatay na ako. Grade 6 pa lang ako non. Natusok ng bakal ang aking kaliwang tuhod dahil sa trahedyang nangyari.
Pero hindi 'yon naging hadlang para ako'y bigyan ulit ng pagkakataon ng Diyos na mabuhay. Kaya nung grumaduate ako nung grade 6 ako, masaya ako na malungkot.
Masaya ako dahil naka-graduate ako at valedictorian pa ako, pero malungkot ako kasi hindi ko makita ang nanay at tatay ko na proud sa akin. Hindi rin sila ang naghatid sa akin sa stage para sabitan ako ng medal. Nakakalungkot man, pero ginamit ko pa rin silang inspirasyon para mag-aral pa lalo ng mabuti. So ayun po, ie-expalin ko na po siya.
Ganito kasi iyan. Nag-aaral lang naman talaga ako Juan Gomez Senior High School. Public school po iyan na malapit sa bahay namin. Mahirap lang naman ako kaya dyan lang po ako nag-aaral.
Inampon lang ako ng tita at tito ko nung araw pagkatapos mailibing ang aking mga magulang. Nung nalaman ko na aampunin nila ako, medyo nawala ang lungkot ko nun dahil alam ko na hindi ako nag-iisa. Meron pa akong kamag-anak na handang tumulong sakin. Pero...
Pero, nagkamali lang pala ako. Dahil sila ni tito, ginagawa nila akong alila. Pinapahirapan nila ako. Kinuha lang pala nila ako para mayroon silang yaya. Palagi din nila akong sinasaktan at pinapagalitan. Tapos may mga pagkakataon pa na hindi nila ako pinapakain.
Wala naman daw kasi akong kuwenta. Salot lang naman daw ako sa lipunan. Bading lang naman daw ako at wala naman akong silbi.
Minsan, napapaisip na lang ako kung may lugar ba talaga ako sa mundong 'to. Ang hirap. Palagi na lang akong malungkot. Ang hirap magpanggap na kunwari masaya ka. Ang hirap maging masaya sa harap ng ibang tao. Minsan nga kapag mag-isa lang ako, bigla-bigla na lang akong maiiyak, yun pala nag-breakdown na ako dahil sa dami ng problema ko sa buhay.
Mabuti nga at nagagawa ko pang mag-aral ng mabuti kahit na ganito kabigat ang problema na hinaharap ko araw-araw. Biro mo 'yon, ako lahat nagkilos ng requirements na ipapasa ko sa LU para lang matuloy doon. Isa kasi 'yong oportunidad. Ang makapag-aral sa pinakamataas na paaralan sa pilipinas ay isang pribilehiyo.
Araw-araw nilalakad ko mula sa bahay nila tita papuntang LU para magpasa ng requirements. Ni-isa, walang tulong akong nakita o suporta na galing kay tita at tito. Hindi nila ako binibigyan ng pamasahe, or kahit baon man lang na pagkain, kahit na tinapay, hindi nila binibigay sa akin. May pagkakataon pa nun na aalis akong bahay, wala akong kain dahil wala silang tinitira na pagkain sa akin.
BINABASA MO ANG
The Innocent.
Teen FictionHello, everyone! This is my first ever story in wattpad. Matagal akong nag-isip kung magsusulat ba talaga ako or not, kasi sobrang busy ko sa school, pero ayun, finally. Nasingit ko rin siya sa time ko. I hope na sana magustuhan niyo ang kuwentong g...