CHAPTER 3- The real Janna
ROD'S POV.
Habang naglalakad ako at hinahanap si janna, hindi pa rin mawala sa isip ko yung mukha nung lalake kanina.
Naiinis na ako sa sarili ko ah. Bakit ba ganito yung pakiramdam ko sa lalakeng 'yon? Hindi ko maintindihan pero parang may nagsasabi sa loob ko na dapat ko siyang kilalanin at kailangan ko siyang tulungan.
Hayst. Hindi ko maintindihan 'tong sarili ko.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
Try ko nga pumunta sa cr ng mga babae. Palagi naman kasing dun ang punta ni janna kapag nag-aaway kami. Ang tanga-tanga ko kasi eh, nakakainis.
Nang makarating sa 10th floor ng building ng STEM kung nasaan ang comfort room ng girls, agad na akong lumapit sa pinto para sana iikot yung hawakan, pero nagulat ako dahil bigla itong bumukas, at sakto dahil si janna nga ang lumabas.
Agad kaming nagkatinginan, pero agad siyang umiwas ng tingin at binilisan ang lakad palayo sa akin.
"Love." tawag ko sa kanya. Nilapitan ko siya agad at hinawakan sa kamay para huminto.
"Love, pag-usapan naman natin 'to oh." sabi ko sa kanya na may halong kalungkutan, pero tinignan niya lang ako.
"Pwede, pumasok na tayo? Late na kasi tayo eh." pahayag niya na may halong kasungitan. Naku-naku. Mukhang... mukhang meron yata 'to ngayon eh.
"Papayag ako, basta muna bati na tayo." sabi ko sa kanya. Hindi ko kasi matitiis kapag galit 'to sakin. Ganun ko siya kamahal.
"Pwede ba? Tigilan mo muna ako. Pumasok na tayo kasi late na tayo." medyo tumataas na ang boses niya.
Ayoko namang gumawa ng eskandalo dito. Unang araw ng second sem eh hehe. Kaya ayun, pumayag na lang.
"Osige, kung yan ang gusto mo. Ikaw masusunod." sabi ko sa kanya at dumiretso na nga kami ng classroom. Ang STEM 12-1 ay nasa pinakataas ng building na ito. Sa may 18th floor. Oh di'ba, tapos niyaya ko na siya mag-elevator, ayaw pa rin.
Ang gulo nito ah, gusto na pumasok sa classroom pero ayaw pa mag-elevator para mas mabilis. Kainis. Sakit na kaya ng paa ko. :((
Matapos naming maakyat ang mount apo, ay mali HAHAHAHA. 18th floor, pumunta na agad kami sa direksyon kung saan ang classroom namin.
Dumiretso kami sa dulong pinto ng classroom namin. Dalawa kasi pinto ng classroom namin. (Gets niyo na? Ganyan din sa ibang schools, mga readers. Nako naman hehe).
Inumpisahan ko na ang pagkatok habang si janna ay nag-aantay sa likuran ko.
Pagkatapos ko kumatok, binuksan ko na ang pinto at pagsilip ko ay... Jusko! Holy!!!!
Nakatingin silang lahat samin ni janna pero yung mata ko, nandun lang sa taong nakatayo sa harap at nakatingin din sakin.
"MR. AGUILAR?"
"MR. AGUILAR?"
"HEY MR. AGUILAR! I'M CALLING YOUR NAME!"
BINABASA MO ANG
The Innocent.
Teen FictionHello, everyone! This is my first ever story in wattpad. Matagal akong nag-isip kung magsusulat ba talaga ako or not, kasi sobrang busy ko sa school, pero ayun, finally. Nasingit ko rin siya sa time ko. I hope na sana magustuhan niyo ang kuwentong g...