CHAPTER 4- FRIENDS!
ROD'S POV.
Pagkatapos kung bumuntong hininga, biglang pumasok sa isip ko si reidan.
Nabaling ang tingin ko sa kanya. Nakita ko siyang nakaupo sa sahig at umiiyak
Pinupunasan niya ng kamay niya yung uniform niya. May mantsa pala 'to ng teriyaki sauce. Siguro binuhusan siya ni janna.
Agad kung kinuha sa bulsa yung panyo ko at pagkatapos ay naglakad ako papalapit sa kanya at lumuhod ako sa sahig para kausapin siya.
"Ah, ito o panyo." Nang marinig niya ako na magsalita, nagulat pa siya. Grabe? Nakakagulat ba ako?? Inangat niya ang mukha niya at tumingin sa akin.
"Ah... h-hindi na, ayos l-lang.
Na-natatanggal naman n-na." sabi niya kaya binalik ko ito bulsa.Dun ko lamang napansin na namumula yung magkabilang pisngi niya dahil sa malalakas na sampal at ang lalo kong kinaawan ay dahil bakat talaga yung mga kamay ni janna.
Lumapit pa ako ng konti sa kanya para hawakan ang pisngi niya.
Nang aktong hahawakan ko na ang pisngi niya ay bigla niya itong nilayo.
"Hhhmmmm... Titignan ko lang yung pisngi mo." paalam ko sa kanya ngunit hindi siya sumagot at yumuko siyang muli.
Mahiyain pala 'to.
Hindi na ako nag-dalawang isip at hinawakan ko na ang pisngi niya.
Nang hawakan ko ito, bigla akong nakaramdam ng kaba. Actually, hindi lang kaba, kakaibang pakiramdam na hindi ko maintindihan kung bakit.
Bakit sa iba hindi ko naman 'to nararamdaman? Naguguluhan na 'ko sa sarili ko.
Lumapit pa ko ng konti at inangat ang mukha niya. Tsaka ko lang na-realize na sobrang lapit pala ng mukha namin sa isa't-isa.
Una kong tinignan yung kanang pisngi niya, at sunod naman ay ang kaliwa. Pagkatapos ko tignan ay binitawan ko na ang mukha niya dahil talagang kinakabahan ako. Baka nga napapansin niya pa 'yon eh.
"Ilang beses kang sinampal ni janna?"
Mahinahon kong tanong sa kanya. Hanggang ngayong umiiyak pa rin siya."Hi-hindi k-ko a-alam. Ba-basta
ma-maraming be-beses s-sinampal n-niya k-ko." sabi niya ng putol-putol habang pinupunasan ang uniform niya gamit yung kamay niya."Ah, reidan, ayaw mo ba talaga gamitin 'tong panyo? Ayos lang naman sakin eh." alok ko ulit sa kanya ng pangalawang beses.
"Salamat." sabi niya at sa wakas, kinuha niya na rin yung panyo. Inumpisahan niya ng punasan gamit ng panyo ko ang kanyang uniform.
FUCK! YUNG MGA NGITING 'YON. NATUTUNAW AKO. BAKIT GANITO YUNG NARARAMDAMAN KO?
Ano kaya kung kausapin ko siya? Baliw ka talaga, rod. Kinakausap mo na nga tapos sasabihin mong "KAUSAPIN KO KAYA SIYA?" siraulo ka talaga.
"Reidan, hindi ko alam kung paano ako magso-sorry sa'yo dahil sa ginawa ni janna sa'yo. Nagulat din kasi ako sa ginawa niya. Hindi ko akalain na kaya niya palang gawin yung ganong bagay.
"Ayos lang. Naintindihan ko din naman kasi siya. Actually nga, ako dapat humingi ng sorry sainyo kasi kung hindi dahil sakin hindi kayo mag-aaway." pahayag niya at biglang yumuko dahil nahiya
Grabe. Kahit may ginawa na sa kanya yung tao, hindi mo pa rin siya makikitaan ng pagkainis sa mukha niya.
"Sana, maayos niyo pa yung problema niyo. Sayang naman yung pinagsamahan niyo kung masisira lang dahil sakin." sabi niya ulit na talaga kinagulat ko na.
BINABASA MO ANG
The Innocent.
Teen FictionHello, everyone! This is my first ever story in wattpad. Matagal akong nag-isip kung magsusulat ba talaga ako or not, kasi sobrang busy ko sa school, pero ayun, finally. Nasingit ko rin siya sa time ko. I hope na sana magustuhan niyo ang kuwentong g...