Kabanata 1

2.7K 74 17
                                    

Kabanata 1

“Saverola.”

I raised my right hand then shouted 'present', tumango naman ang Professor ko at bumaling na sa kasunod ko. Bagot akong dumukdok sa mesa at sinubukan matulog ngunit may nandedemonyo sa’kin,

“Saverola tara cutting.”

Iniwas ko ang hita ko ngunit kinurot niya pa ‘rin ito, irita kong ibinaling ang tingin ko rito at sinamaan ng tingin. “Tangina matutulog na lang ako ‘rito.” Malamig kong saad, napangisi naman ito at nang-aasar akong tinitigan.

“Bagong buhay? Akala ko ba di uso sa’yo ‘yan?” Umiling nalang ako at inignora ito, hindi naman sa ayaw kong mag-cutting I’m just lazy to act right now. Mas gusto ko nalang dumukdok sa mesa at tulugan ang subject na 'to tutal tahimik naman tsaka hindi naman naninita ang Professor namin.

“Saverola tara na cutting. Tangina bagot na bagot na ko.” Pandedemonyo nito ngunit hindi ko ito pinansin, mariin akong napapikit nang pitikin niya ang tainga ko.

Ayaw ko sa lahat ay ang ginagalaw ang tainga ko, bukod sa minsan ay may bagong butas naiirita ako sa 'di malamang dahilan.

“Damn!” Madiin ngunit mahina kong mura, she just looked at me—amazed.

“Tangina, san ka nagpabutas? Ang ganda!”

I just shrugged my shoulders, “Manahimik ka na, kung gusto mong mag-cutting sige mag-cutting ka pero 'di ako sasama sa’yo.”

“Samahan mo na kase ko! May tsismis akong sasabihin sa’yo!”

Kailan ba s'ya titigil sa pangungulit sa’kin? At ilang beses ko ba dapat sabihin ang salitang 'ayoko'? Ow well she’s Cheena, she’s not her if she’s not that persistent and ofcourse annoying.

“Sige,” Inangat ko ang ulo ko at kinuha ang lipstick niyang maputla ang kulay at agad itong inilagay sa labi ko.

“Sir!” Our Professor stop talking and glanced at Cheena, his forehead knitted when he saw a worried expression on Cheena’s face. She’s too good at this acting and I literally suck on this. “Si Saverola ho, namumutla! nahihilo ‘raw ho s’ya.”

Agaran namang lumapit samin ang aming Professor para alamin kung nagsasabi ako ng totoo. Matamlay akong tumingin rito at kunwari’y sinisipon.

“Kaya mo ba, Saverola?” I just shooked my head at him.

He then face Cheena and patted her shoulder,“Dalhin mo sa infirmary.”

Agarang tumango si Cheena at inalalayan akong tumayo, all eyes were on us. Like what the heck, kaya ayaw kong gumawa ng ganitong eksena napapabaling samin ang atensyon and Cheena knows how much I hate attention.

“Putangina, ang galing mo kanina ‘ron ah! Improving dati rati sinasalo pa kita!” Anito ng makalayo-layo kami sa silid namin, sinuntok pa nito ang hangin saka masayang masaya na hunalakhak.

Dati kase ay hindi talaga ako marunong umarte at kapag nagcucutting ako walang habas lang akong lumalabas ng room at hindi nila ako pinapakailaman, pero nagbago na ang patakaran at wala akong magawa kundi tanggapin ang alok ng gaga na 'to na umarte pero sa una hindi kami nagtagumpay dahil nabuko kami.

“Tara laro sa Jazz.”

Kumunot naman ang noo ko, dati rati'y pinipilit ko pa itong sumama sa Jazz ah? I arch my left brow at her. “Sino namang gagong nauto mo don?”

Ngumisi naman ito,“Si Troy.” Sagot nito at saka humalakhak. Napailing na lamang ako, lahat siguro ng lalaki balak patusin ng babaeng 'to.

“Yun na nga 'yung chismis ko sa'yo eh. Alam mo ba ang yaman pala ng gagong 'yon aba't may tatlong motor 'yon at dalawang kotse! Makwarta pwedeng pagkaperahan tutal gipit ako ngayon!” Anito saka tumawa. Binagtas na namin ang daan palabas ng unibersidad.

Nang paliko na kami'y may nasanggi ako, nagkibit balikat na lamang ako at tumuloy ng lakad ngunit di pa kami nangangalahati'y may humiklat sa buhok ko at pwersang pinaharap ko.

“Are you fucking dumb, bitch?”

“Ho—” Sisigawan sana ito ni Cheena ngunit sinenyasan ko itong tumigil at mauna na sa gate. Alinlangan pa ito ngunit sa huli'y tumuloy na ng lakad.

“Nope.” I answered.

“Then why the heck didn't you say sorry?! Chakang merlat!” Nakakunot ang noo nito at masamang titig ang pinupukol sa'kin. Sino ba dapat ang magsorry? Diba dapat ay siya?

Oh, I guess this annoying gay is acting like a Queen here. “Sorry.” I boredly said then face my back at him. I'm not in the mood to argue with him. At wala akong balak humakot ng atensyon dahil sa simpleng pagsagi lang sa balikat niya.

“I'm not yet done with you!” Pinuwersa muli ako nitong pinaharap at saka ako binuhusan ng frappe na sinisimsim nito kanina. Napabuga lamang ako ng hangin at walang gana itong tinitigan.

“So, you're done? Can I go now?”

Bumalatay ang inis, galit at irita sa mukha ng baklang kaharap ko. Ano na naman ba?

“Bitch, better get hiding because if I see your face again here I will not hesitate to pull your hair and slap that face of yours.” He said then devilishly smirked at me.

I don't really understand this gay. I'm not fighting back but he's too persistent to hurt me. Oh damn fucking immaturity it is.

“Yeah.” I nodded then walked away even if there's so many people talking about me and giving me annoying stares but what could I do? And I don't care anyways.

“Boba! Kung naroroon lamang ako, Ako ang magbubuhos sa inggratong baklang 'yon! Napaka niya! At ikaw naman hindi ka dapat nagpa-api! Kesyo ayaw mo ng gulo dapat hindi mo hinayaang ganunin ka ng bitchesang iyon! Ano ha?! So masarap bang matapunan ng starbucks?! Shuta! Siguradong puputok ang eksenang iyon bukas at ikaw ang laman ng tsismis! Bakit—” I cutted her off.

“Blahblahblahblahblah. Wala akong pake sa sasabihin nila, wala akong pake sa baklang 'yon, wala akong pake kung i-issue nila ako at lalong wala akong pake kung saktan man ako, as long as nag-aaral ako ng matiwasay at hindi nakikick-out sa paaralang 'yon hindi ako gaganti.” Walang gana kong litanya. Napabuga ako ng hangin dahil sa rami ng sinabi ko.

“Kahit na Prim! Ang akin lang 'eh pano ka pa makakapag-aral ng matiwasay kung ikaw ang laman ng tsismis?! At ang baklang 'yon ang may-ari ng paaralang 'yon sa tingin mo ba 'di ka ikikick-out non?! Kung ako sa'yo lumaban ka man lang sana bago ka mapatalsik! Hindi ka naman dating ganyan!” inis nitong wika.

“I promised to myself that I will not be the old Prim anymore.” Seryoso kong untag.

“Pero hahayaan mo nalang 'yung gunggung na baklang 'yon na apihin ka?! You're a Bitch Prim! Alam kong nagtitimpi ka lang!” This girl is really annoying, gusto niya talaga ulit gisingin ang demonyo ko.

“As I've told you, I will not gonna unleash my demon.” pinal kong sagot rito.

“Bakit ba ayaw mo? Sariling kapakanan mo naman ang nakasalalay rito! At ikaw 'rin ang nagsabi na gusto mong maging payapa ang taon na ito! Unless, you're not really moving on from him.”

————

Loving that Pretty Man Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon